Sharon, Regine
Sharon at Regine parami nang parami ang sponsor!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Ang Iconic presscon ngayon ng Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Very thankful ang dalawa dahil almost sold-out na ang tickets para sa October 18 & 19 Araneta Coliseum concert nila.

Masaya sina Sharon at Regine dahil habang papalapit ang Iconic concert nila ay dumarami pa ang kanilang sponsors.

Nakakatuwa nga na sa posters ng Iconic ay makikita na magkakasama ang mga brand na directly ay magkakakumpetensiya.

Ang bongga!

Anyway, halos araw-araw na ang rehearsal nina Sharon at Regine para sa Iconic dahil next week na nga ‘yon.

Ibinuko ni Jak, Barbie tamad mag-gym

Ang “Pambansamg Pandesal” na si Jak Roberto sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Jak, “Kailangang mag-gym dahil lumalaki ang tiyan ko! From here, pupunta ako sa gym!”

Biniro ko si Jak na kung malaki ang tawag sa tiyan niya, ano pa ang itatawag ko sa napakalaki kong tiyan?

Natawa na lang si Jak.

Tinanong ko nga pala si Jak kung nasaan ang girlfriend niya na si Barbie Forteza?

Nasa bahay raw si Barbie na noon ay nakakasama niya sa pagdyi-gym.

Hindi na nga raw sumasama sa gym si Barbie.

“Tinatamad na. Sayang nga ang package na kinuha niya sa gym,” sey ni Jak.

Siguro ay tinatamad nga si Barbie at sobrang tiwala siya na matino ang boyfriend, kaya naman hindi na niya kailangang sumama sa gym para “mabantayan” si Jak.

Anyway, magkasama sila sa morning series ng GMA 7, ang Wagas and according to Jak ay sinabihan sila na mae-extend ‘yon ng three more weeks.

“So, magiging seven weeks na kayo?” tanong ko na sinagot niya ng, “‘Yon po ang sabi sa amin.”

Wow, bongga!

Jeric Teng GF-free pa rin

Si Jeric Teng sa isang pizza house sa Tomas Morato, Quezon City noong Tuesday night.

Ang parents niyang sina Alvin at Susan at ateng si Alyssa Teng ang ka-“date” niya sa late dinner na ‘yon.

Sila ang ka-date ni Jeric dahil girlfriend-free pa rin siya. 

Galing sila sa Valenzuela City kung sana ginanap ang MPBL basketball game ng Pasig City team niya laban sa Makati City Team. Tutok daw si Jeric sa pagiging MPBL player ngayon.

‘Yun na!

REGINE VELASQUEZ-ALCASID SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with