^

Pang Movies

Coco selos na selos sa basketball player na nali-link kay Yassi?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Coco selos na selos sa basketball player na nali-link kay Yassi?!
Coco, Yassi

Tanong lang Salve A., nagselos nga ba si Coco Martin dahil sa balitang may kakaibang closeness na kasalukuyang namamagitan kina Yassi Pressman at top cager Jon Semira?

Gumaganap na mag-asawa sina Yassi at Coco sa serye nilang FPJ’s Ang Probinsyano, kaya puwedeng may kakaibang damdamin din silang nararamdaman para sa isa’t isa.

Bagama’t ayon sa mga report na ang true love ni Coco ay si Julia Montes, na hanggang ngayon ay diumano’y nasa Germany pa dahil sa extended visit sa kanyang German dad.

Of Yassi, she was once linked to a Kapuso talent.

Of Julia, we heard na babalik na uli siya sa ‘Pinas at sa iniwang career sa showbiz.

Regine at Sharon kakantahin ang Mr. DJ

Kilala bilang isa sa hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, Rey Valera is both the writer and composer ng awiting Mr. DJ na nagpasikat kay Megastar Sharon Cuneta bilang singer at aktres.

Isinaplaka ni Sharon ang nasabing kanta noong 1978 when she was 12 years old.

Ang Mr. DJ din pala ang paboritong kanta ni Regine Velasquez na uma­ming fan siya ni Sharon kahit noong nasa elementary grades pa lang siya.

Ngayon, ang dalawa ay magsasama na sa iisang concert, ang Iconic na magaganap sa October 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum.

Si Rowell Santiago ang magdidirek ng nasabing concert, habang sina Louie Ocampo at Raul Mitra naman ang musical directors.

Well, i-expect na natin na magdu-duet sina Sharon at Regine sa kantang Mr. DJ.

How nostalgic, pag nagkataon.

Janno may pinagkakaabalahan na uli

Balik na sa pagiging busy si Janno Gibbs matapos ang success ng pelikula nila nina Dennis Padilla at Andrew E. na Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo.

Ngayon ay may gagawin siyang serye na medyo bastos but definitely nakakatawa. Ito ay ang The Last Woman Standing na mapapanood sa Sari-Sari Channel ng Viva Entertainment.

Co-starring with him are Donita Rose, Debbie Garcia, Phoemela Barranda at Samantha Paige.

Janno is busy din with live events, especially sa mga probi-probinsya lalo na nga at magpa-Pasko.

Kung ang personal na buhay naman ni Janno ang pag-uusapan, mukha namang maayos na uli ang relasyon nila ng asawang si Bing Loyzaga.

Malalaki na ang mga anak nilang dalawa na sina Chi at Gabby. Posible nga raw na magpakasal na si Chi sa kanyang boyfriend of five years na si Anton Cruz, anytime soon.

No need to tell you that Janno’s dad is actor Ronaldo Valdez na nasa katatapos lang na ser­yeng Los Bastardos kung saan kasama rin niya sina Jake Cuenca, Albie Casiño, Joshua Colett, Joseph Marco at Marco Gumabao.

Direk Joel matindi ang lungkot sa sunud-sunod na pagluluksa sa showbiz

Matindi ang lungkot na nararamdaman ni Direk Joel Lamangan sa pagpanaw ng batikang aktor na si Tony Mabesa.

Only two weeks ago, after all, ang isa sa close film-TV director friend niya na si Mel Chionglo ay binawian din ng buhay.

Hindi nga ba at close rin sila ni Direk Maryo delos Reyes at pati na rin ni Direk Gil Portes?

Na-cremate na ang mga labi ni Tony Mabesa, ganunpaman, ayaw daw tanungin ni Direk Joel si Lord kung bakit ganito nga ang nangyayari.

Creation lang tayo lahat ni Lord, kaya who are we to question ang kung anumang desisyon niya tungkol sa atin?

“All we should do is pray and pray, not just for people whom we love na nauna na sa atin, kung hindi for us din, the living,” ani Direk Joel.

Samantala, he can’t wait to have a new assignment as a director. He is almost finished na with the movie Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa.

Personal…

Happy birthday on October 12 sa fellow entertainment writer na si Pilar Mateo, who will turn exactly 60 years old.

Excited si Pilar, who looks younger than 60, na magkaroon na ng senior citizen card. More power Pilar.

vuukle comment

COCO MARTIN

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with