Alden Richards
Alden suki sa fiestahan
Vir Gonzales (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi magkamayaw ang fans nang bisitahin ni Alden Richards ang San Rafael, Bulacan kamakailan lang para sa Angel Festival. Napiling imbitihan ang aktor dahil sa pagiging relihiyoso nito na hinahangaan ng mga kaparian sa church ng nasabing lugar.

Samantala, hindi naman nagpahuli ang singing icon na si Eva Eugenio na nagparinig ng kanyang mga napasikat na awitin.

Bukod kina Alden at Eva, kasama rin nilang nagpasaya si Valeen Montenegro.

Kamakailan lang din nang mag-guest si Alden sa ribbon cutting ng exhibit ni Elizabeth Oropesa, nakasabay pa ng aktor dun si Imelda Marcos.

Amalia at Alex Muhlach nagkaayos bago bawian ng buhay ang movie icon

Malungkot ang ilang Amalians na nakakwentuhan namin noong burol ng showbiz icon na si Amalia Fuentes.

Matagal-tagal din daw na naging bed ridden ang kanilang idolo at ramdam nila ang kalungkutang nadarama nito habang nakahiga. Wala na nga ang lalaking minahal niya nang lubusan na si Romeo Vasquez at wala na rin ang nag-iisang anak na si Liezl Sumilang-Martinez.

Ramdam din daw ng Amalians ang hindi pagkakasundo ng magkakapatid na Muhlach. Mabuti na lang, bago binawian ng buhay si Amalia ay nagkasundo na sila ng kapatid na si Alex Muhlach.

Bayan sa Nueva Ecija dinadayo ng mga artista

Binisita namin ang mayor ng Jaen, Nueva Ecija na si Mayor Sylvia Austria sa kanyang tahanan, may affair kasi kaming pinuntahan malapit lang sa Jaen kaya naman naisipan naming dumalaw kay Mayora.

Marami ring mga artista ang nagtutungo sa Jaen para sa motorcade.

Noong buhay pa ang yumao niyang asawa na si Santy Austria na mayor pa that time, puring-puri ito dahil sa pagiging malapit sa mga taga-showbiz.

Nakarating na roon sa Jaen sina Marian Ri­vera, Angel Locsin, Lovi Poe at Sexbomb Girls na pinamumunuan pa noon ni Rochelle Pangi-linan.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings sa mga October born ce-lebrants: 

Maja Salvador, Joey Marquez, Dan Alvaro, Korina Sanchez, Mat Ranillo, Leila Benitez, Patrick Guzman, Lj Moreno at Danny Dolor.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with