^

Pang Movies

TNT Boys tagos sa puso ang kanta sa Starla

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Philstar.com
TNT Boys tagos sa puso ang kanta sa Starla

Isa na naman inspiratio­nal song ang hatid ng TNT Boys na sina Mackie, Francis at Kiefer na may title na Ako ang Iyong Bituin na siyang themesong ng bagong palabas ni Judy Ann Santos-Agoncillo na Starla ng Kapamilya Network.

Tuwang-tuwa ang fans na sa TNT Boys ipinagkatiwalang ipa-interpret ang kanta na kahit nasa puberty period, effortless pa rin ang pagbirit ng tatlo.

Thankful ang followers na gabing-gabi maririnig ang kanilang boses sa palabas ni Juday.

Napakaganda ng harmony, technique, lyrics, timbre, at vocals na isa na namang masterpiece ng TNT Boys na nagbibigay ng pag-asa hindi lang sa kanilang fans.

Ang simple lang ng arrangement ng kanta, pero grabe ang epekto sa nakapa-emosyonal, ang bawat boses ay positibo ang vibes sa mga listener.

Komo first day pa lang ang palabas ng Starla ay dini-demand agad na marinig ang kanta sa mga music store online. Mas lalong naging magical ang teleserye sa angelic voices na tagos sa puso.

vuukle comment

TNT BOYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with