^

Pang Movies

Annabelle pinagtawanan sa last wake ni Amalia

YUN NA! - Jun Lalin - Philstar.com
Annabelle pinagtawanan sa last wake ni Amalia
Annabelle Rama

Ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa huling gabi ng burol ni Amalia Fuentes noong Lunes ng gabi sa Mt. Carmel church sa New Manila, Quezon City.

Marami ang natuwa nang makita roon ang mag-asawa.

Kung matatandaan, nagkaroon ng alitan sina Bisaya at Tita Nena (paboritong tawag sa yumaong aktres) some years back, pero hindi naging hadlang ‘yon para ‘di pumunta ang una sa burol ng huli.

Pero bago naman namatay si Tita Nena, nakausap ito ni Daisy Romualdez at sinabi rito ng nanay ni Tina Paner na dadalhin nito sina Tito Eddie at Bisaya sa bahay ng veteran Sampaguita actress na noon ay nagpapaga­ling sa bahay dahil sa stroke.

Hindi nga lang natuloy na dumalaw ang mag-asawa hanggang sa yumao na nga si Tita Nena.

Pero noong Monday na nasa burol ang mag-asawa, nilapitan ni Niño Muhlach si Bisaya para sabihan na magsalita sa eulogy, pero tumanggi siya.

“Ayoko nga, kasi, iyak ako nang iyak nang magsalita si Alfonso (Martinez). Kasi sabi niya sa speech niya, mahal na mahal niya ang lola niya. Na siya ang nag-alaga sa lola niya nang magkasakit ito. Naalala ko kasi si Zion na mahal na mahal ang lolo niya, si Eduardo.

“Nakakaiyak, kaya nang sabihan ako ni Niño na magsalita, ayoko talaga. Pero nang magsalita si Eduardo, ipinasa sa akin ang mic, kaya nagsalita na ako,” sabi ni Bisaya.

Napansin daw ni Bisaya na tawanan nang tawanan ang mga tao sa burol nang nagsasalita na siya.

Nilapitan naman daw siya ni Niño at sinabing, “Tita Annabelle, basta ikaw talaga ang nagsalita, tawanan ang lahat!”

Naikuwento ni Bisaya na kahit nagkaroon sila ng away ni Tita Nena pero pinagdarasal niya ito nang ma-stroke. “May she rest in peace,” sabi pa ni Bisaya.

  Speaking of Bisaya and Tita Daisy, nakakaaliw silang dalawa.

Bati, galit, bati ang relasyon ng dalawa bilang magkaibigan.

Kapag magkagalit, hindi nagpapansinan ang dalawa.

Kapag magkabati naman, sobrang close, umaga pa lang ay magkatsikahan na. Maghapong nagtatawagan.

Kahapon, magkasama sila sa isang coffee shop sa Greenhills, San Juan.

Tsikahan nang tsikahan. May pagkakataon na parang nagtatalo sila sa tsikahan nila kahapon.

Sabi ko sa kanila, stop na at baka mauwi na naman sa away ang pagtatalo niyo.

Pareho silang natawa sa sinabi ko.

Hahaha!

‘Yun na!

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with