Tirso never napikon ‘pag tinatawag na ‘tanda’ ni Maricel
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 7, 2019 - 12:00am

Hindi napipikon si Tirso Cruz III kay Maricel Soriano, Salve A., kahit paulit-ulit siya nitong tinatawag na ‘tanda’ sa presscon para sa finale ng The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Parehong importante ang ginampanang role nina Maricel at Tirso sa nasabing serye.

Pip is 13 years older than Maricel, who is 54 years old.

Pip is 67.

Besides, as Pip would always say, age doesn’t matter. As what matters is what you have accomplished through the years.

Kung sabagay.

James ayaw ma-link kay Nancy!

Pakiusap ni James Reid sa fans na sana ay huwag siyang i-link sa Korean star na si Nancy ng Korean girl group na Momoland, na gaganap niyang leading lady sa upcoming serye niya na Soulmate sa ABS-CBN.

Ayaw din daw nitong bigyan sila ng love­team, dahil para kay James obviously, kung may ka-loveteam man siya, yun ay ang girlfriend lang niyang si Nadine Lustre.

James said in an interview that his dad now manage his showbiz career. In fact, meron na rin siyang sariling management company.

He is determined to make big his music company, ang Careless Music.

Eddie at Tony buwan lang ang pagitan

Nakakalungkot Salve A., na buwan lang ang naging pagitan ng pamamaalam sa mundo nina Eddie Garcia at Tony Mabesa, who played lovers in Rainbow Sunset na ipinalabas noong nakaraang taon sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Eddie played a closet queen, married to Gloria Romero.

In any case, Eddie died in an accident na naganap habang siya ay nasa set ng isang series na gagawin sana niya for GMA-7 last June.

He was 90. 84 naman si Tony.

Zanjoe alagang-alaga ng surfer na GF

Type pala ni Zanjoe Marudo na magdirek din for both TV and films in time.

No wonder, tutok marino siya sa lahat ng nangyayari sa set ng kahit anong project na kanyang ginagawa.

He makes sure, though that everyone concerned is aware sa kanyang ginagawa at balak.

Right now, Zanjoe is at rest dahil nga sa injury na kanyang natamo sa nakaraang Star Magic All Star Games 2019.

Well, reportedly looking after him is his surfer girlfriend, Josie Prendergast.

O gimik lang uli? Pia at Marlon hiwalay na naman?!

Nakalipat na raw si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang bagong tirahan.

Hindi binanggit ng aming source ang exact location ng bahay. Ganunpaman, marami ang nakakapansin na parang may problema si Pia na ayaw niyang i-share openly.

‘Di kaya may kinalaman ito sa pag-ibig?

Lately, hindi nababanggit ni Pia sa mga interview sa kanya ang tungkol sa kanila ng boyfriend na si Marlon Stockinger.

True nga kayang kaput na naman sila Salve A.?

Pia has just turned 29.

Ysabel tuloy pa rin sa pag-aaral kahit busy sa showbiz

Ysabel Ortega, now a certified Kapuso, is determined to make good in showbiz para raw maipagmalaki siya ng tunay niyang ama na si Senator Lito Lapid.

Si Ysabel ay anak ni Sen. Lito kay Michelle Ortega.

Samantala, Ysabel plays one of the female lead roles in Alden Richards serye na The Gift.

So far, maganda ang feedback sa kanyang performance, lalo na ng ilang co-stars niya tulad nina Luz Valdez at Elizabeth Oropesa.

Though busy with her showbiz career, ‘di tumitigil sa kanyang pag-aaral si Ysabel. She is now in college taking up a course in Bachelor of Arts in Psychology.

TIRSO CRUZ III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with