_pang-masa
^

Jillian naka-heels na kahit 14 pa lang

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 6, 2019 - 12:00am

Iba ang dating ng nagsimulang child star na si Jillian Ward. Napakaganda ng Kapuso teenage star na napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. May 1 million followers na si Jillian sa kanyang Instagram account kaya naman umabot na agad sa more than 200K views ang photo niyang nakasuot siya ng 5-inch heels niya.

Puring-puri si Jillian at ang dalawa pang prima donnas na si Althea Ablan as Donna Belle at Sofia Pablo as Donna Lyn. 

Mabait at mapagmahal na ate si Mayi, palaban si Ella at sweet namang bunso si Lenlen sa kuwento ng kanilang serye. Nahiwalay si Mayi kina Ella at Lenlen.  Kung si Mayi ay napunta agad at nakapagtrabaho sa hindi kilalang tunay na ama si Jaime (Wendell Ramos), nagtiis naman ng hirap sa trabaho na hindi pinakakain sina Ella at Lenlen. Napapanood ang  Prima Donnas after ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Juancho ayaw magpa-sexy

Masayang-masaya si Juancho Trivino dahil for the first time ay bibida siya kasama ni Arra San Agustin sa Madrasta.

Kaya naman nang tanungin si Juancho sa solo interview kung hindi ba siya makikisakay sa trend ngayon na mga actor na sumasabak sa mga daring roles in daring projects?“Hindi ko po naiisip iyon,” sagot ni Juancho.  “Well of course, it’s art and I have utmost respect sa mga gumagawa niyan and of course I did it before, kasi nakagawa na ako ng sexy movie, ang Wild and Free with Sanya Lopez. So, iba naman ang project kong ginagawa ngayon, may pagka-wholesome at para sa family.”

World premiere na bukas ng Madrasta na nagtatampok din kina Manilyn Reynes, Almira Muhlach, Isabelle de Leon, Divine Aucina, Faye Lorenzo, mga bagong Kapuso stars Ahron Villena, Anjo Damiles at Kelvin Miranda at si Phytos Ramirez.  Sa direksyon ni Monti Parungao, mapapanood ang Madrasta sa GMA Afternoon Prime.a

JILLIAN WARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with