Forever JaDine raw James ayaw ng loveteam nila ni Nancy
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 6, 2019 - 12:00am

Nagbabala agad si James Reid sa Twitter kaugnay ng pagtatambal nila ni Nancy McDonie na isa members ng K-pop girl group na Momoland.

“I’m honoured to be part of the new project Soulmate ABS-CBN but please guys, no love team names. I’ve already got one #jadine,” tweet ni James.

Magsisilbing reunion project ni James kay direk Antoinette Jadaone ang project.

Ang management company na kaya ni James ang nag-close ng deal sa bago niyang series? Mula nang kumalas si James sa Viva Artists Agency, nagtayo na siya ng sariling management company.

Kunin kaya niya sa kuwadra ang girlfriend na si Nadine para i-manage?

Sarah ‘liberating’ ang pakiramdam na katambal ang aso

Hindi nakadepende sa leading man si Sarah Geronimo sa coming movie niya na Unforgettable di tulad nang unang sabak niya sa big screen. Nakapareha niya sina John Lloyd Cruz at Gerald Anderson sa magkaibang movie nu’ng sumabak siya sa  aktingan sa big screen.

Sa latest film, isang aso ang kasama niya sa kabuuan ng pelikuka, si Milo, isang well trained dog na nakalabas na rin sa ibang pelikula at TV shows.

“Masarap, liberating ang pakiramdam ko kasi you’re not depending on a leading man. Talagang naba-bank ka doon sa istorya itself at sa script also,” saad ni Sarah.

Focus daw talaga ang aso sa mga eksena niya at kahit aso eh alam ang professionalism.

“’Yung aso, professional, nahiya nga me minsan! Ha! Ha! Ha!” natatawang saad ni Sarah na mahilig din sa mga aso.

JAMES REID NANCY MCDONIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with