^

Pang Movies

Kasal nina Jolo at Angelica may mga ninong na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kasal nina Jolo at Angelica may mga ninong na!

Excited na si Jolo Revilla sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiancée na si Angelica Alita.

Confirmed na ikakasal ang dalawa sa California sa December 2019 pero hindi pa sila nagbibigay ng mga detalye tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Pero nag-post si Senator Sonny Angara sa Instagram ng litrato nila nina Jolo at Angelica kaya may mga hula na isa siya sa mga principal sponsor o ninong sa kasal.

At dahil sa US ang wedding ceremony, lilipad sa Amerika ang mga invited guest, pati na ang immediate family members nina Jolo at Angelica.

Thirty one-years-old na si Jolo kaya emotionally at mentally prepared na siya na bumuo ng pamilya, kasama ang babae na pinili niya na makasama sa habambuhay.

Sarah kayang mabuhay na aso ang kasama

Nakakaiyak naman ang full-trailer ng Unforgettable, ang pelikula ng Viva Films na starring ang favorite singer-actress ko na si Sarah Geronimo.

Isang dog movie ang Unforgettable at sa tunay na buhay, mahilig si Sarah sa aso as in may pet dogs siya.

Sinabi nga raw ni Sarah na kahit tumanda ito na mag-isa, mabubuhay siya na aso lamang ang kanyang mga kasama.

Pareho kami ni Sarah na mahilig sa aso at type ko rin ang mga pelikula tungkol sa dog kaya interesado akong panoorin ang Unforgettable.

Ang ganda-ganda rin daw ng theme song na kinanta ni Sarah, ang Ang Tangi Kong Pangarap.

Hindi pala si Sarah ang original singer ng Ang Tangi Kong Pangarap dahil una itong ni-record ni Rico Blanco noong 2013.

Pauleen wagi sa walang kurapan

Nakakaloka ang contest ng Eat Bula­ga na Bawal Kumurap, nakamamatay ng suwerte dahil hindi talaga kumukurap ang mga contestant.

Si Pauleen Luna ang reyna ng Bawal Kumurap dahil thirty minutes siya na hindi kumurap.

Hindi ako sure kung naagaw nina Allan K. at Paolo Ballesteros ang korona ni Pauleen dahil hanggang matapos kahapon ang Eat Bulaga, hindi sila kumukurap for more than 25-mi­nutes.

Mga celebrity contestant din kahapon sa Bawal Kumurap sina Gladys Reyes at Martin del Rosario.

Nag-promote si Gladys ng Madrasta at si Martin ng The Gift.

Nakakaloka na parehong tumulo ang mga luha nina Gladys at Martin dahil sa tagal nang hindi nila pagkurap. Siyempre, si Gladys ang nag-win dahil napakadali sa kanya na hindi kumurap nang matagal.

Gladys na-touched kay Alden

Touched na touched si Gladys Reyes nang dumating siya kahapon sa Eat Bulaga dahil si Alden Richards ang kusang lumapit sa kanya at bumati sa kanila ng anak niya na si Gavin.

Nagpakuha rin si Alden ng picture na kasama ang mag-ina. Tuwang-tuwa si Gladys dahil kahit superstar na si Alden, hindi pa rin nagbabago ang ugali nito.

Malapit lang ang studio ng Eat Bulaga sa bahay ni Gladys kaya isinama nito ang kanyang bunsong anak.

vuukle comment

ANGELICA ALITA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with