Jericho naudlot sa Busan Filmfest!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 5, 2019 - 12:00am

Nabulilyaso ang biyahe ni Jericho Rosales papuntang Busan International Film Festival dahil sa bagyo. In competition sa festival ang movie niyang Basurero.

Saad ni Echo sa kanyang Instagram, “My flight to Korea was cancelled because of bad weather. But that won’t stop me from getting excited for everyone at the Busan International Film Festival from watching good movies and mo­ving shorts like our film in competition BASURERO,” bahagi ng caption ni Jericho sa tila poster ng movie.

Isang short film ang Basu­rero na dinirek ni Eileen Cabiling.

Hindi man nakapunta sa Busan si Echo, ru­mampa naman doon sina Judy Ann Santos, Allen Dizon, Vince Rillon at direk Brilliante Mendoza para sa pelikulang Min­danao.

Magiging bahagi ng ICONS sa bagong section sa film festival ang PH REPRESENT. Kasama ring rumampa ni Juday sa red carpet ang asawang si Ryan Agoncillo.

Alden nakatanggap ng one hundred year old Sto. Niño!

Nagkita si Alden Richards at ang pari sa Pangasinan na sinasabing look alike niya, si Fr. Joseph Panaligan.

Ayon sa report ni Luane Dy sa Unang Balita kahapon, nagkita ang dalawa sa taping ng The Gift.

Sa kanilang pagkikita, binigyan ni Fr. Joseph ng one hundred year-old image ng Sto. Niño at history book ng Nuestra Señora Dela Salud ang actor.

“Nakakatuwa kasi ‘yung value niya more than anything else, it’s priceless and binigay nila Father sa akin as a gift. Mas nakaka-motivate gumawa ng mabuti sa buhay,” pahayag ni Alden.

Saad man ni Fr. Joseph, “Overwhelming, masaya siyempre sa pagkakataon na makaharap at maibigay ang regalo kay Alden. Sana maranasan niya ‘yung tunay na kaligayahan na nagmumula sa tunay na regalo sa buong mundo, ang ating Panginoong Hesus.”

January 2018 nang naging viral si Fr. Joseph nang kumalat sa internet ang litrato niyang bini­binyagan ang isang bata at naging viral. Pero sa report ni Luane, mas may matindi pang kuneksyon ang dalawa.

Noong kasikatan ng AlDub loveteam sa Eat Bulaga, nag-donate ang loveteam ng library sa isang komunidad ng Urbiztondo sa Pangasinan at pinagawa ito sa parish ni Father Joseph.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with