^

Pang Movies

Maine matagal bago natupad maging VJ ng MYX

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Maine matagal bago natupad maging VJ ng MYX
Maine Mendoza

Natupad ang pangarap ni Maine Mendoza na maging video jockey ng MYX na siyam na taon na niyang inaasam-asam. Wala pa sa showbiz si Maine nang mag-tweet siya tungkol sa pagiging VJ ng MYX na kinuhanan pa niya.

Inilabas muli ng Phenomenal Star ang screen shot ng tweet niyang ‘yon nang finally ay matupad na ang pangarap niyang maging VJ ng music channel, huh!

Naging special guest si Maine sa MYX nitong nakaraang mga araw bilang bahagi ng promo niya sa movie na Isa pa With Feelings.

At may bonus pa siyang natanggap dahil personal niyang na-meet ang VJ/Host na si Robi Domingo. Eh si Robi, sa pagpunta niya sa studio, hindi niya akalaing mami-meet nang personal si Maine kaya nang ni-retweet ang post ni Meng, surreal ang feeling niya nang magharap sila.

Bea isasalba ang career ni John Lloyd?!

Si Bea Alonzo pa rin ba ang magiging tagasalba ng career ni John Lloyd Cruz?

Aba, matapos itanggi ni John Lloyd na special guest lang ang role niya sa pelikulang Culion, saka naglabasan ang tila poster ng isang project na nandun ang mukha nina Lloydie at Bea.

May nakasulat na, “A Last Chance?” sa tila poster ng movie pero pino-promote ang ini-endorse nilang shawarma.

Naku, hayaan natin si JLC na pumili ng mas pasabog na comeback film at hindi ‘yung indie, ‘no?

Nanay ng isang baguhang aktor, feeling sikat din!

Feeling celebrity din ang madir ng isang sumisikat na aktor nang dumalo sa isang showbiz event.

Kasi naman, rampa rin siya nang rampa habang hindi pa nagsisimula ang event. May nakakakilala naman siya kaya pag nagpa-picture sa kanya eh, pinagbibigyan naman niya, huh!

‘Yun nga lang, nang magdatingan na ang mga artistang inaabangan talaga sa event, napunta na lang sa sideline ang madir at wala nang gustong magpakuha sa kanya, huh!

At least, nakaranas naman siya ng ilang minutes of fame dahil may nagpa-photo ops sa kanya!

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with