Aktor parang sinisilihan ang puwet nang magpa-interview!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 2, 2019 - 12:00am

Natawa na lang ang isang reporter sa inasal ng actor na kanyang ini-interview dahil sa dialogue na “wala na ba?” at “hindi pa tapos?” na ang ibig sabihin ay ang interview sa kanya. Nagmamadali si kuyang actor, kaya kahit may mga itatanong pa ang reporter, tinapos na lang.

Sabagay, sa simula pa lang ng interview, napansin namin na tila nagmamadali ang aktor at sinabi namin ‘yun sa kaibigang reporter. Kaya lang, may isyu pa nga sa aktor na gusto ng reporter na sa kanya na mismo manggaling ang sagot.

Kaya tuloy ang tanong ng reporter na sinasagot ng aktor ng maiksing sagot at minsan, one liner na lang ang sagot. Nang hindi na makatiis, tinanong ang reporter kung wala na siyang itatanong. Nang tapusin ng reporter ang interview, mabilis na umalis ang aktor na may date yata.

Hahaha! Saan kaya ang lakad ng aktor at nagmamadali? Sana hindi na lang siya nagpunta sa presscon ng movie niya kung nagmamadali siya.

Paolo idinisplay ang tinahing damit sa anak

Hindi na lang mahusay na make-up artist si Paolo Ballesteros, mananahi na rin siya at pinost nito sa kanyang Instagram (IG) ang tinahi niyang dress para sa anak niyang si Keira.

Sabi ni Paolo, “Flex ko lang my junakit and my first ever dress made gamit ang sewing machine! Hooo hirap! Buti na lang ganda ng nagsuot hehehe.”

Sa isa pang post ni Keira suot ang damit na tinahi ni Paolo, sabi nito, ang hirap palang manahi at pasalamat siya na natapos din. Sa Japan binili ni Paolo ang tela na baklang-bakla raw ang dating.

In fairness, ang ganda ng dress na ginawa ni Paolo para sa junakis niya at nasa background ni Keira ang sewing machine na ginamit niya.

Jaclyn Jose tinawanan nang sumabog ang kalan

Nakakaaliw basahin ang comments ng netizens na nag-comment sa post ni Jaclyn Jose na ibinalitang sumabog ang kalan niya dahil binasa raw nila ang post ng magaling na aktres sa tono nito kapag nagsasalita.

I-try n’yo ring basahin : “Ay!!! Sumabog kalan ko!” at “Buti na lang fiber, la na sumabog na” at “oo nga bigla sumabog yung glass ng burner buti na lang la tao sa kitchen. Thanks friend.”

At least, kapag si Jaclyn ang nagsalita at kahit emergency, hindi ka pa rin nenerbyusin dahil kalmado at hindi naghi-hysteria. Nagpasalamat si Sandy Andolong na walang nangyaring masama kay Jaclyn sa pagsabog ng kalan nito.

Dennis nakakatakot nang maging ‘demonyo’ sa pelikula

Sa October 30 na ang playdate ng Hell Come Home ng Star Cinema na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Napanood namin ang teaser ng movie featuring Dennis at nakakatakot ang biglang pagbabago ng hitsura niya mula sa pagiging mabait at nagiging demonyo.

Sa short teaser na ‘yun, ipinakita ni Dennis ang husay niyang actor sa movie na ang unang title ay A Family Ghost Story.  May ganu’ng eksena rin si Raymond Bagatsing gaya nang ginawa ni Dennis na nagbago ang boses at anyo.

Si Raymond kaya ang tatandang Dennis sa Hell Come Home?

Direk Thop nahirapang gawin ang pelikulang Edward

Naalala namin ang sinabi ni director Thop Nazareno na nahirapan siyang gawin ang pelikulang Edward, pero hindi na binanggit kung bakit. Graded A ang kanyang pelikula ng CEB (Cinema Evaluation Board), siguro naman, napalitan na ang hirap ni direk Thop na buuin ang pelikulang release ng Viva Films at simula this Wednesday ang showing.

Nakuwento rin ni direk Thop na sa Quezon Institute ang location niya sa mga hospiral scene. Marami raw siyang nakasabay mag-shooting na ibang pelikula at nagbiro na ang QI ang Universal Studios ng Pilipinas.

Anyway, tampok sa Edward ang 15-year-old na si Louise Abuel na napilitang tumira sa hospital to take care of his sick father. Sa hospital niya nakilala si Agnes (Ella Cruz) na magbibigay sa kanya ng kanyang first kiss.

Ang Edward  ang Cinemalaya’s Special Prize Awardee, Best Production Design, at nagpanalo kay Ella ng Best Supporting Actress.

PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with