^

Pang Movies

Heart may sarili nang spot sa PFW

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi talaga matatawaran ang pagiging fashion plate ng singer-actress-painter at misis ni Sorsogon governor at dating senador na si Chiz Escudero na si Heart Evangelista dahil hindi na lamang mga basta-bastang mga kilalang personalidad in the fashion world sa Paris and New York ang kanyang nakakahalubilo at nakikilala.

Nagiging regular figure na rin si Heart sa Paris Fashion Week maging sa New York Fashion Week.

Sa recent fashion week in Paris ay naging seatmate ni Heart ang isa sa mga superstars ng South Korea na si Jessica Jung, dating member ng all girls K-pop group na Girls’ Generation.  Bukod sa kanyang pagiging singer-actress, si Jessica ay isa ring kilalang fashion designer.

Ilan sa mga kilalang personalidad na kakilala na ni Heart ay ang American designer na si Kenneth Cole, ang French shoe designer na si Christian Louboutin, ang Canadian actress na si Eliza Sam, ang Hollywood actress-model na si Kate Bosworth, ang Italian shoe designer na si Gianvito Rossi at marami pang iba.

Derek maraming investments sa Real Estate

Hindi ikinakaila ng Kapuso actress na si Andrea Torres na biggest break umano niya ang pag-portray niya ng dual characters sa nagtapos na primetime TV series na The Better Woman na pinagtambalan nila ng boyfriend na niya ngayon na si Derek Ramsay.

Inamin ni Andrea na mami-miss niya sina Juliet at Jasmine, ang dalawang magkaibang characters na kanyang ginampanan. Bukod sa mami-miss niya ang mga naging kasamahan niya sa serye, nagpapasalamat ang Kapuso sexy star na sa serye nagsimula ang kanilang pag-iibigan ni Derek na kamakailan lamang nahiwalay sa kanyang dating nobya of almost six years na si Joanne Villablanca.

Kung umabot ng almost six years ang naging relasyon nina Derek at Joanne, gaano naman kaya katagal ang bagong relasyon ngayon nina Derek at Andrea?  Mauwi na kaya ito sa kasalan lalo pa’t tapos na ang ipinagawang bagong bahay ng bagong Kapuso actor?

Derek has his own investments (mostly real estate) at meron din siyang beach resort property in San Vicente, Palawan.

Any day na gustong mag-asawang muli ni Derek ay kaya na niyang bumuong muli ng isang bagong pamilya. Kasama na kaya si Andrea sa kanyang mga future plans?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with