Elisse umaming iniwan ni McCoy

Elisse umaming iniwan ni McCoy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 1, 2019 - 12:00am

Ang ganda-ganda ni Elisse Joson nang du­malo sa product launch ng Cathy Doll Ready 2 White na bago niyang endorsement. Blooming na blooming siya and glowing at mukhang in-love.

Nali-link kasi ngayon si Elisse kay Jameson Blake pero nilinaw niyang hindi raw naman sila pa. Hindi pa raw siya ready na pumasok sa isang relasyon ulit matapos ang break-up nila ni McCoy de Leon last year.

Hindi naman ikinaila ni Elisse na talagang masakit para sa kanya ang break-up at medyo matagal-tagal din bago siya naka-move-on.

“Mahirap din po, pero totoo nga ‘yung sinasabi nilang sa time,” ani Elisse.

Sa bawat araw daw ay parang pahirap nang pahirap that time pero kusang dumating na lang daw ang time na hindi na niya masyadong naiisip ang nangyari.

“Parang kung sa isang araw, 10 times a day mong iniisip, dadating din ang araw na paunti-unti, 5x na lang, 2x na lang, hanggang sa kaya mo na palang hindi maisip,” pag-amin niya.

Aminado naman ang young actress na hindi naman pwedeng makalimutan niya completely si McCoy dahil naging part daw ito ng kanyang buhay.

“Siyempre, mahirap naman talagang completely kalimutan ‘yung nangyari, good and bad. So, sa akin po, parang for me, he’s always gonna be a part of your heart, pero kaya mo na lang i-set aside, kung baga.”

When asked kung nag-try ba si McCoy na makipagbalikan sa kanya, ani Elisse ay hindi naman daw.

What if makipagbalikan sa kanya?

“Kayo po ba pag iniwan kayo, tatanggapin n’yo pa rin?” balik-tanong niya.

Pero sagot niya, depende raw. Kung saan depende ay di na niya in-elaborate.

Samantala, ang Cathy Doll Ready to White ay one of the leading skincare brands in Thailand and Asia na nasa Pilipinas na rin. At sa ating bansa, si Elisse ang napili nilang maging first ambassador kaya naman sobrang overwhelmed ang young actress.

Kinunan pa sa Bangkok, Thailand ang video shoot ni Elisse para sa nasabing produkto at ani Elisse ay sobrang nag-enjoy siya.

“The shoot in Bangkok, was really fun. Ang alaga ng Cathy Doll sa akin, and everyone was so nice, I had a great time,” sabi ni Elisse.

Kuya Dick balik sa gay roles

Balik-Kapuso si Roderick Paulate after seven years at napapanood siya sa One of the Baes nina Ken Chan and Rita Daniela na nagsimula na kagabi, Monday.

Ang Munting Heredera noong 2011-2012 pa ang last soap niya sa GMA-7 at sey niya, he’s happy to be back lalo pa nga’t ang ganda rin ng feedback ng mga eksena niya sa trailer pa lang.

Ginagampanan niya sa One of The Baes ang tatay ni Jowa na pino-portray naman ni Rita. Balik-gay role rin si Kuya Dick sa nasabing serye na na-miss din daw niya.

Natanong namin si Kuya Dick kung kinailangan pa ba niyang magpaalam sa ABS-CBN dahil nga huli rin siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano and had to leave dahil nga eleksyon that time.

Aniya ay wala naman daw siyang kontrata sa Kapamilya network at freelancer naman siya at natutuwa naman din daw siya na pwede siyang magtrabaho at tumawid-tawid sa magkabilang network.

ELISSE JOSON MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with