^

Pang Movies

Juday sa umpisa lang mataray!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Juday sa umpisa lang mataray!

Six years din palang hindi gumawa ng teleserye si Judy Ann Santos-Agoncillo. Kaya, maliban sa kanyang panganay na si Yohan, now a teenager, her two younger children, Lucho and Luna na parehong 10 years pababa ang age, na-excite nang malaman na aarte siyang muli sa TV.

Sa unang episodes ng Starla ay gaganap siyang kontrabida.

But as a whole, ayon kay Juday at sa directors na sina Onat Diaz, Darnel Villaflor at Jerome Pobocan, ang Starla na mula sa panulat ni Dindo Perez ay isang heart tugging-story. Na ‘di lang nagbibigay ng pag-asa sa mga televiewers, kung hindi nagtuturo rin ng pagmamahal sa pamilya at pagpapatawad. At higit sa lahat, ng pag-asang bawat hihilingin mo, kapag nararapat, ay matutupad.

A Dreamscape Entertainment Production, headed by Deo Edrinal, Starla has a line-up of stars na most impressive na maituturing. Maliban kay Juday, nasa cast din sina Joel Torre, Meryll Soriano, Joem Bascon, Raymart Santiago. Plus, pre-teen star Jana Agoncillo and new child actor Enzo Pelojero,  six years old, produkto ng mini-me contest ng It’s Showtime.

In special roles are Tirso Cruz III  and Charo Santos-Concio.

“Excited ako about Starla,” ani Juday. “Di lang ako, kumbaga. Medyo mataray dito, inglesera rin ako to the max, October 7, magsisimula ito.”

Piolo wini-wish maka-partner sina Kathryn at Liza

Though currently focused siya sa gagawin niyang reunion movie, yes, after 15 years, with Claudine Barretto, na reportedly will be filmed sa Florence, Italy, with Cathy Garcia-Molina direc­ting, Piolo Pascual said na eager siya na for his next project, younger ang kanyang leading lady.

Add his ‘pick’, so to speak, include, among others, Kathryn Bernardo and Liza Soberano.

He has seen their ‘work’ ayon kay Piolo at convinced siya na parehong magagaling ang dalawa.

“Sana, maganda rin ang story and script which, halimbawa, Star Cinema will prepare for us,” tukoy pa ni Piolo.

Like Piolo, Kathryn and Liza are both Kapamil­ya and Star Cinema talents.

Right now, tinatapos ni Piolo ang kayang first team-up with Alessandra de Rossi, which the latter herself direct and produce with Viva Films and elder actress-sister, Assunta de Rossi.

Maja relate na relate sa mga OFW

No kidding, Salve A., but excited kami na mapanood ang first ever na digital original series produce by the TFC (The Filipino Channel), titled Hinahanap hanap Kita, or Searching for You, mapapanood globally sa TFC, TFC Online, TFC IPTV at dito sa Pilipinas sa iWant.

Kinunan halos ang kabuuan ng eksena sa Dubai, ang serye ay pagbibidahan nina Maja Salvador, Geoff Eigennman, Pepe Herrera, Hannah Ledesma at Prince Stefan.

Written by Benson Logronio, Bed Legaspi, Josel Garlitos, Kim Lorraine Cruz at April Jalandra, ang istorya ng mga karakter nina Maja, Hanna, Geoff, Pepe at Prince ay pawang mga totoo dahil kwento ito ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa Dubai.

Sina Maja and company even had the chance to meet and talk to them in person.

Hindi lahat ng mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Dubai ay masasabing kawawa, as some of them ay natupad ang hangarin na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

“Ganunpaman, iisa ang kanilang iniinda. Ang mawalay sa kanilang pamilya,” ani Maja.

Maja has own story to tell about having a mom na isang OFW.

She didn’t grow up with a father. So, to give her a better life, obviously, nang maliit pa lamang siya, hayan nga at nag-decide ang kanyang ina na maging isang domestic helper sa ibang bansa.

Naiwanan daw siya, ayon kay Maja, with her mom’s sisters, who all treated her like their own.

Ganunpaman, heto raw ang siste. Nang umuwi ang kanyang ina, obviously para magbakasyon lang, nataranta ang mga pinsan niyang pawang  mga kaedad niya, nang bumungad ang kanyang ina sa pintuan ng kanilang bahay sa probinsya. Sabay sigawan daw ng ‘wow’ si Tita Thelma, (name ng mother ni Maja).

Sa excitement daw niya, sumigaw din siya ng wow, Tita Thelma, na dahil bata pa siya noon ‘di niya ma-realized na ina niya ang kanyang tinatawag na Tita Thelma.

Naalala raw niyang bigla siyang niyakap ng mahigpit ng kanyang ina at humagulgol.

Henceforth, hindi na nag-abroad ang kanyang ina.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with