^

Pang Movies

Mark gustong magkaanak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mark gustong magkaanak

Walang kagatul-gatol na inamin sa amin ng naging controversial international stage singer-actor na si Mark Bautista na gusto umano niyang magkaroon ng anak pero hindi nito klinaro sa amin kung gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Sa aming panayam kay Mark, sinabi nitong wala umano siyang pinagsisihan sa paglabas ng kanyang (controversial) top-selling book na pinamagatang Beyond That Mark kung saan niya isiniwalat ang lahat-lahat tungkol sa kanyang totoong pagkatao at kasama na rito ang kanyang pag-amin na isa siyang bisexual at ang pakakaroon ng relasyon sa isang kilalang male celebrity.

Ayon kay Mark, bukas siya sa pagkakaroon ng anak.

Since nabigyan na ni Mark ng magandang buhay ang kanyang pamilya – his parents at mga kapatid, gusto naman niyang mag-focus sa kanyang sarili, hindi lamang sa kanyang career kundi sa kanyang sariling kaligayahan.

For sometime, umiwas umano siya sa mga interview kahit sa kanyang mga kaibigan at mga kakilala. He was bashed pero unti-unti umano niya itong nalagpasan.

“Para akong nabunutan ng tinik,” pag-amin pa niya.

“But then, na-realize ko na hindi ako puwedeng umiwas dahil ang trabaho ko naman ang maaapektuhan.  Kailangang harapin ko lahat regardless kung ang marami sa kanila ay nahusgahan ako,” patuloy niya.

“Natutuwa rin naman ako sa mga kaibigan ko na naging understanding and supportive sa halip na i-judge ako,” aniya.

Sa ngayon, masarap ang pakiramdam ni Mark dahil tinanggap at nirespeto ng publiko ang kanyang  naging desisyon although hindi talaga maiwasan ang pagkakaroon ng bashers.

Reunion movie nina Piolo at Juday inaantay na rin!

Kung tuloy na ang reunion film project nina Piolo Pascual at Claudine Barretto na kukunan sa ibang bansa at pamamahalaan ng consistent box-office director na si Cathy Garcia-Molina, marami rin ang umaasa na sana’y matuloy na rin ang reunion movie nina Piolo at Judy Ann Santos.

Kung sina Piolo at Claudine ay huling nagtambal sa hit movie na Milan nung 2004 na dinirek ni Olivia Lamasan na siyang tumatayong Managing Director ng Star Cinema ngayon, sina Piolo at Judy Ann ay huling nagsama sa pelikulang Don’t Give Up On Us in 2006 na dinirek ni Joyce Bernal.

Matagal nang gusto ni Piolo na muling makatrabaho si Juday pero ang huli lamang ang nagkakaroon ng reservation sa kanilang balik-tambalan.

Imelda may malaking challenge

Malaking challenge sa Asia’s Sentimental Songstress at politician na si Imelda Papin ang nalalapit niyang major concert na gaganapin sa 55 thousand-seater na Philippine Arena (sa Bulacan) sa darating na October 26 (Saturday) at 6 p.m. para sa kanyang ika-45th  anniversary in the entertainment business.

Pinamagatang Imelda Papin: Queen at 45 Anniversary Concert, ito’y magkatulong na ipu-produce ng Dream Wings Production & Papin Entertainment Productions na nakatakdang idirek ni Joane Laygo with Mel Villena as musical director.

Makakasama ni Imelda as special guests sina LA Santos, Maffi Papin, Gloria Papin, Aileen Papin at Gary Cruz.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with