^

Pang Movies

Jim Paredes naka-move on na sa sex scandal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jim Paredes naka-move on na sa sex scandal!

Limang buwan pagkatapos kumalat ang kanyang video scandal, muling nagparamdam ang singer-composer na si Jim Paredes.

Nag-lie low nga ang APO Hiking Society member pagkatapos nitong aminin sa publiko ang tungkol sa kumalat niyang video scandal.

Ngayon ay naka-move on na si Jim at ang pagiging mentor niya para sa PhilPop Songwriting Bootcamp ang kanyang pinagkakaabalahan.

“You know, I just want to… We make music. I’m just an artist. I come up with stuff, you know. Enjoy them at your pleasure.

“I’m grateful and I’m hopeful that I will continue to write the soundtrack of their love lives, their life as they get old, their milestones in their lives, marriage, everything. Parang yun ang aim ko dati pa, eh.

“Sa APO, sinabi namin na we want to be the ones to write the soundtrack of their birthdays, binyag, kasal, blessing ng bahay.

“Tsaka yun nga, my goal was to, for Filipinos to sing their own songs na Filipino, and to dance their own music and not some other countries,” pahayag ni Jim.

Noong nakaraang September 7 ay nag-perform na si Jim sa isang informal gig sa Parliament on King sa Sydney, Australia. Ang malaking part ng kinita ng kanyang gig ay napunta sa Asylum Seekers Centre.

Kean at Chynna inilantad na ang second baby

Congratulations sa mag-asawang Kean Cipriano and Chynna Ortaleza sa pagda­ting ng kanilang baby boy na si Salem noong nakaraang September 25.

Sa kanyang Instagram account, sinalubong ni Kean ang second child nila ni Chynna.

Noong Easter Sunday, April 21, ini-announce ng showbiz couple na magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Stellar who is now 3-years old.

Ilang linggo bago ang due date ni Chynna, nag-post ito sa IG ng throwback photo ni Stellar noong bagong panganak pa lang ito at sinamahan pa niya ito ng mahabang mensahe.

J.Lo excited na sa performance nila ni Shakira!

Excited na ini-announce ni Jennifer Lopez na magpe-perform siya, kasama si Shakira sa Super Bowl halftime show in February 2020 in Miami, Florida.

Isa sa inaabangan na event sa TV ang halftime show ng Super Bowl taun-taon dahil sa bonggang performance ng napiling artist tulad nila Michael Jackson, Diana Ross, Stevie Wonder, Prince, Madonna, Beyonce, Lady Gaga, Britney Spears, Justin Timberlake, Janet Jackson, Gloria Estefan, Patti LaBelle, Bruno Mars, Katy Perry, Coldplay, Bruce Springstein, Shania Twain, Sting, No Doubt, Missy Elliot, Destiny’s Child, The Rolling Stones, Red Hot Chili Peppers, Lenny Kravitz, N’Sync, New Kids On The Block, U2, Toni Braxton and Christina Aguilera.

JIM PAREDES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with