Juday si Meryl Streep ang peg sa pagko-kontrabida!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 29, 2019 - 12:00am

Exciting para kay Judy Ann Santos ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Starla dahil kakaibang-kakaiba raw ang character niya rito sa lahat ng ginawa niya in the past.

Kung dati ay inaapi-api ang kanyang role, well, sabi nga niya, panahon naman daw para maiba this time. For the first time ay masama naman ang kanyang karakter at talaga raw pinaghandaan niya kung paano ito gampanan nang maayos.

“Naghanda ako ng outfit, may glam team ako,” masaya niyang sey.

Bukod dito, nun’g sinabi raw sa kanya na ang peg niya ay si Meryll Streep ng Devil Wears Prada movie, pinanood daw niyang muli ang nasabing pelikula.

“‘Yung lakad, ‘yung tindig, ‘yung postura, ‘yung taas-noo, pano magsalita,” she said.

Lawyer ang role niya kaya mahirap din para sa kanya dahil kailangang tama ang lahat ng English niya at legal terms na ginagamit sa eksena.

“So, du’n ako pinaka nahirapan lalo na nun’g first taping day. I was really struggling because I haven’t done a teleserye for 5 years, so bagong-bago sa akin.”

Sa first taping day ay wala raw siyang take 1 at puro take 4 to 6 dahil nakakalimutan niya ang linya niya or bumibitaw siya sa eksena dahil hindi pa raw niya nakukuha ang karakter.

Samantala, natanong din kay Juday kung puwede na ba nilang gawin ni Piolo Pascual ang reunion movie na matagal nang hinihintay ng mga fans nila at ayon sa aktres, wala pa raw talaga.

“‘Yung last time na sinabi ko, meron kasing nag-offer, pero hindi natuloy, hindi kami nagkasundo with the story.

“‘Yun nga ‘yung sinabi ko noon, it’s very critical for a Piolo-Juday project, for a reunion project, because the story should be very well thought of,” aniya.

Dapat daw ay worth watching talaga kung sakali dahil nga ang tagal nilang hindi gumawa ng movie together.

“So, antay lang. So, habang wala pa, focus muna sa ibang bagay,” sey ni Juday.

Piolo 15 years hinintay si Claudine

Speaking of Piolo, ang talagang matutuloy ay ang reunion movie naman nila ni Claudine Barretto at excited na ang aktor dito,

Ayon sa Ultimate Heartthrob nang makatsikahaan ng entertainment press recently sa SunPIOLOgy Xone launch/presscon, 15 years daw ang kanyang hinintay para magkaroon sila ng reunion movie ni Claudine.

Matatandaang unang nakatrabaho ni Papa P (tawag kay Piolo) si Claudine taong 2004 pa sa box-office hit movie nila na Milan at hindi na ito nasundan.

“I’ve been waiting for it. Ilang years na ‘yan. It’s been in Star Cinema’s baul for the longest time and it’s always been Clau and I. So, we waited 15 years for this, and I’m just really excited that it’s finally happening,” pahayag ni Piolo.

Napakaganda raw ng script at sa kwento ay maraming pagdadaanan ang mga karakter nila together.

“Kaya it’s important na ang kasama ko, medyo matured, si Clau because there are seasons in their lives that they would have to brave together,” aniya.

Pero right now ay tinatapos daw muna niya ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na malapit na raw matapos.

Samantala, 11 years na ang SunPIO­LOgy na taunang event ni Piolo at ang Sun Life Philippines kung saan ay ang aktor nga ang brand Ambassador.

This year, the said sporting event carries the theme SunPIOLOgy Xone and will feature the following highlights - Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH, and Sun Life Resolution Run.

Ang Sun Life Virtual Run ay gaganapin sa October 15 – November 15, 2019 at ongoing na ang registration at www.sunpiology.com.

Ang Sun Life Cycle PH naman ay gaganapin sa November 23, 2019 at ongoing na rin ang registration.

Ang Sun Life Resolution Run naman ay magaganap sa Jan. 18, 2020 sa Camp Aguinaldo. Registration will begin on Nov. 15, 2019 sa website and select Toby’s Sports Stores. Race categories and further details will be released soon.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with