^

Pang Movies

Julia Montes maraming kailangang ipaliwanag sa pagbalik-showbiz!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung totoo nga ang umuugong na balita ngayon na magbabalik na sa Pilipinas ang aktres na si Julia Montes, marami nga siguro siyang kailangang liwanagin. Kasi nga simula noong unang umugong ang mga balita na siya ay nagbuntis at nanganak, hindi na siya nagpakita sa publiko. May panahon pa ngang pati sa social media ay hindi siya nakikita.

Dumami ang ispekulasyon at siyempre may nadadamay na ibang mga pangalan. Matagal din siyang nawala at namuhay sa Germany kasama ng tatay niya. Marami ang hindi makaintindi kung bakit dahil lamang sa isang tsismis na nabuntis siya, na madali naman sanang mai-deny kung hindi totoo, nagtago siya. Kaya lalong lumakas ang ispekulasyon.

Kung magbabalik na nga siya mula sa kanyang hiatus, siguro dapat na rin niyang sagutin ang lahat ng mga tanong, at tiyak kabilang sa mga tanong ay kung nanganak na nga ba siya at kung sino ang tunay na tatay ng kanyang anak.

Ano man ang sabihin ni Julia, at ng sinasabing tatay ng anak niya, tiyak namang iyon ang paniniwalaan ng mga tao. Maaari niyang sabihing burned out lamang siya sa trabaho, kaya naisipan ang biglaang mahabang bakasyon sa Germany. Maaari rin naman niyang aminin na totoo ang lahat ng mga tsismis, pero hintayin na lang natin kung ano nga ba ang kanyang sasabihin.

Palagay namin, kung talagang interesado pa si Julia sa kanyang career bilang isang aktres, dapat na nga siyang umuwi sa Pilipinas. Aba eh nalampasan na siya ng mga mas baguhan kaysa sa kanya. Kung ang gusto naman niya ay magbalik na lamang sa Pilipinas at hindi na interesado sa kanyang career, puwede rin naman at mas lalong wala siyang problema.

John Lloyd hindi ewww ang hitsura

Isa pa rin naman ‘tong si John Lloyd Cruz, na ang akala nga ng mga tao sa showbiz ay tuluy-tuloy na ang pagbabalik matapos na mag-direk ng isang MTV, iyon pala ay aalis pa rin. This time, kasama ang ermat niya patungong New York.

Wala namang sinabing trabaho, siguro gusto lang niya maipasyal naman ang nanay niya matapos ang mahigit na isang taong wala siyang inasikasong iba kung hindi si Ellen Adarna.

Pero mukhang mas maliwanag na ang chances, dahil sinasabi nga ng mga nakakita kay John Lloyd nang siya ay papaalis papuntang New York, bagong gupit na raw, hindi na mahaba ang balbas, clean cut na at mukhang malinis na. Mukha na siya ulit isang matinee idol.

Iyon lamang dapat nang ikasiya ng kanyang fans dahil ang ibig sabihin, magbabalik na nga siya sa showbusiness.

Female star nawala lahat ng naipundar sa asawang walang binatbat!

Talagang naghirap ang female star, at marami sa kanyang naipundar na properties ang naibenta niya. Dahil iyon sa paghahangad niyang matulungan ang mister niya para lumabas namang may binatbat iyon. Kaso ang lahat naman ng negosyong pinasukan ni mister, wala ring nangyari at ang career naman noon ay wala ring tinunguhan.

Ang kawawang female star, tanggap na niya ngayon na hindi na niya maibibigay sa kanyang mga anak ang kanyang pangarap na buhay para sa kanila. Kumuha ba naman siya ng asawang walang binatbat eh, ganoon nga ang kababagsakan niya.

Sayang lang siya.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with