^

Pang Movies

Junior actor ‘di pinagbigyan ang eksena sa senior actor na laging may kasamang medics

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nabuwisit na naman ang isang senior actor (SA) sa isang junior actor (JA) na kasama niya sa isang movie. Nangyari na ito sa SA sa isa ring JA na kasama rin niya sa project sa ibang rason naman.

Ayon sa aming source, inabot ng cut off ng JA ang big scene na naka-set up na. Pinakiusapan siya ng staff na ilang minuto lang ang kailangan para matapos ang eksenang kukunan.

Pero nagmatigas ang JA. Hindi niya ginawa ang eksenang nandoon siya bilang payo na rin ng manager niya.

Eh si SA, galing pa sa probinsiya at kinailangang may standby na medics, gamot at iba pang kailangan para matapos ang shooting, huh!

Dedma ang JA at mas piniling sundin ang sabi ng manager kesa pairalin ang professionalism gaya ni SA.

Derek ginawang P.A. si Andrea sa Dubai

Kasama rin pala ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres sa Dubai. Nandoon siya para sa basketball game ng team niya sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Sa Instagram stories ni Derek, ipinakita niya sa video ang katabi niyang si Andrea.

“Meet my PA (personal assistant),” saad ni Derek at ipinakita si Andrea na todo hagikgik at saka kunwari ang mamasahihin ang boyfie.

“Huwag dito! Ha! Ha! Ha!” sey ni Derek kay Andrea.

Sanay na sa Dubai ang Kapuso hunk at hindi nila pinalampas ang GF na magkaroon ng selfie sa pinakamataas na building sa buong mundo.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with