Jessy
Jessy pinagdasal ang bagong trabaho
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 27, 2019 - 12:00am

Inamin ni Jessy Mendiola sa mediacon ng Sandugo na ang seryeng ito ang dahilan kung bakit siya nag-stay sa ABS-CBN. Matatandaang naging maingay ang balita some months ago na lilipat ang aktres sa GMA-7 at namatay na rin naman nang kusa ang tsikang ‘yun dahil up to now ay nasa Kapamilya network pa rin naman siya.

Diretsong tinanong si Jessy sa presscon kung ang Sandugo ba ang naging dahilan kaya nag-stay siya sa network and mabilis din itong sinagot ng aktres.“Yes po. I just want to set it straight, yes po. For now,” pag-amin ni Jessy.

Nagustuhan daw niya agad ang gray character niya sa Sandugo at talagang ito raw ang ipinagdasal niya.

“Habang pitching kami, talagang nagdadasal ako, ‘sana, gray character, sana kakaiba siya sa mga nagawa ko dati.’ Biglang bumaling du’n, sabi ko, ‘uy, okay ‘to.’ So, nun’g natapos na ‘yung pitching, ‘yung story-telling nun’g writers sa akin, tinanggap ko po.

“Parang I think, at this point po, gusto ko nang gumawa ng mga roles na hindi ko pa nagagawa before. And it’s very exciting to be honest, gumawa ng role na hindi mo pa nararanasan, hindi mo pa napapakita. Very challenging siya,” she said.

Ang huling regular show niya sa ABS-CBN ay You’re My Home noong 2015 pero nag-guest naman daw siya sa FPJ’s Ang Probinsyano last year at medyo mahaba rin naman tumakbo ang kanyang karakter.

“I’m very thankful po na nabigyan ako ng role at nabigyan po ako ng show ulit. Marami na rin pong shows na ibinibigay pero ako rin po mismo sa sarili ko ang nagsasabi na hindi pa ako ready.

“And that would be really unfair to the people na nagbibigay po sa akin ng trabaho. Parang ayoko rin po na gagawa po ako ng role na naman, tapos magiging mala-mala lang, 50% lang. So, it’s really unfair.

“Kaya ‘yun po, I promise po this time, I think and I feel that I’m really having fun with my character, so, eto 200% po ito,” pahayag pa ng aktres.

Magsisimula na ang Sandugo ngayong Lunes, September 30 bilang kapalit ng Los Bastardos. Pinagbibidahan din ito nina Ejay Falcon and Aljur Abrenica hatid ng Dreamscape Entertainment.

Akting ni Kim pumasa

Ang ganda ng feedback sa pelikulang Jowable na launching film ni Kim Molina at kasalukuyan nang palabas sa mga sinehan. Wala pa yata kaming nabasang negative review at lahat ay puro positibo ang mga comment.

“Hats off sa cast. We have a lot of A-listers sa Supporting actors and actresses running their A-Game like Candy Pangilinan, Kakai Bautista and Cai Cortez. Those three I mentioned all have their moments that help in changing the life of Molina’s Elsa. And when they were given the time to shine, I love how the director made those scenes shine, walang sapawan. It also looks and feels organic,” pahayag ng isang nakapanood na.

For sure ay proud na proud si Jerald Napoles sa kanyang girlfriend dahil sa mga papuring natatanggap ngayon ni Kim.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with