^
Digitally restored na ang TV, palabas na
Camille Prats

Digitally restored na ang TV, palabas na

(Pang-masa) - September 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mga bagong digitally restored films ang handog ng ABS-CBN Film Restoration sa Reelive The Classics sa pagpapalabas nito ng remastered versions ng Ang TV Movie The Adarna Adventure, Saan Ka Man Naroroon, at iba pang classic Filipino films sa Power Plant Mall simula Setyembre 20 hanggang 26.

Una nang napalabas noong Biyernes (Setyembre 20) ang digitally restored version ng Ang TV Movie the Adarna Adventure na dinaluhan ng lead stars ng pelikula na sina Patrick Garcia, Camille Prats, Gio Alvarez, Guila Alvarez at Paolo Contis.

Hangad ni Camille na may mapulot na aral tungkol sa pagkakaibigan ang bagong henerasyon ng mga manonood sa kanilang pelikula gaya ng kung paano ito ipinakita ng kanilang karakter.

“Bihira na sila gumawa ng ganitong proyekto. Mayroong importanteng aral ito tungkol sa pagkakaibigan. Nagtulong-tulong kami rito bilang magkakaibigan para maibigay sa lola ni Angelica (Panganiban) ‘yung Ibong Adarna para gumaling siya,” kwento niya.

Sabi naman ni Paolo, nanatili pa rin siyang malapit sa ilan sa kanyang kasama sa pelikula at kung may pagkakataon, hangad din niyang makasama muli ang buong cast.

Espesyal naman para sa ngayong isa nang ama na si Patrick ang event dahil sa unang pagkakataon, mapapanood siya ng mga anak niya sa big screen.

Kasama nila ang mga manonood na binalikan ang masayang kwento ng magkakaibigang naglakbay sa kaharian ng Berbanya, kung saan tinulungan nila ang isang prinsipe hulihin ang ibong Adarna, na isa palang isinum­pang prinsesa, upang magamot ang kanyang ama.

Bukod naman sa 1996 film ng Star Cinema, ang remastered version ng Saan Ka Man Naroroon ay natunghayan naman noong Setyembre 22 (Linggo). Muling magdadala ng kilig ang pelikulang pinagbibidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa kwento nito tungkol sa dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana pero muling nahanap ang daan tungo sa isa’t isa.

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with