^

Pang Movies

Sharon at Gabby ipagpo-produce uli ng Viva

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sharon at Gabby ipagpo-produce uli ng Viva
Sharon Cuneta

Tulad ng dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera na nanatiling loveteam sa concert stage, ganoon din ang tingin ng marami sa tambalan ng ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Nabuhayan ang fans ng team-up nina Sharon at Gabby nang aminin ni Sharon na okey na muli sila ng kanyang ex-husband na si Gabby at ito’y nangyari sa hindi inaasahan muling pagsasama ng dalawa sa isang major event na dinaluhan din ng dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera.

Ilang beses nang naudlot ang muling pagsasama sa pelikula nina Sharon at Gabby na inasahang mangyayari sana in 2017 o 2018 pero hindi ito natuloy dahil nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan ang dating couple. Pero ngayong okey na muli ang dalawa, malamang na matuloy na ang kanilang reunion movie lalo pa’t 27 years na silang hindi pa muli nagtatambal.

Ang dating mag-asawa ay huling nagtambal sa pelikulang Tayong Dalawa na dinirek ni Laurice Guillen nung 1992.

Nakausap namin ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario at isa ito sa natuwa sa pagkakasundong muli nina Sharon at Gabby. Nagpakita rin ng interes si Boss Vic na muling i-produce ang dating mag-asawa lalupa’t original Viva baby si Sharon at nakagawa rin ng ilang movies sa Viva Films ang tambalan nina Sharon at Gabby before na ang pinakauna ay ang Sa Hirap at Ginhawa in 1984 na pinamahalaan ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador.

Mga seryeng may mababang ratings nililigwak agad!

Isang insider ng isang major TV network ang umamin sa amin na kapag hindi umano nagri-rate ang isang programa ay agad daw itong tinatapos at hindi man lamang daw binibigyan ng chance na ito’y maka-take off.

Nanghihinayang man ang aming source, wala naman daw silang magawa dahil ito ang desisyon ng top management.

Bago makagawa ng isang TV project o series ay dumadaan ito sa mahabang proseso, from planning to brainstorming, from casting to pre-prod to production and post production hanggang sa pagsisimula nito sa ere. Mas mahaba pa umano ang proseso ng production kesa sa itinatagal ng ilang programa na kaagad inaalis sa ere.

Aminado rin ang aming source na kulang na kulang umano sila ng malala-king stars  kumpara sa kabilang istasyon.

Nalulungkot din ang aming source na kahit paano ay nakakaapekto rin ito sa actors ng kanilang istasyon kapag agad pinu-pull out sa ere ang kanilang mga programa.

Hindi ikinakaila ng aming source na may mga programa rin naman kahit sa kabilang istasyon ang hindi kaagad nagri-rate pero binibigyan ito ng kaunting panahon na mag-improve ang ratings. After all, three months or one season naman talaga ang standard ng isang programa pero may mga programa na halos kasisimula pa lamang ay agad inaalis sa ere.

Sayang naman.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with