^

Pang Movies

Liza at Enrique dadayo sa Croatia, direktor ni Kathryn gagawan sila ng pelikula!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Liza at Enrique dadayo sa Croatia, direktor ni Kathryn gagawan sila ng pelikula!
Liza Soberano at Enrique Gil

Naku, kaiinggitan ng ibang love­team sa Channel 2 ang loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil sa series nilang gagawin.

Aba, sa story conference ng bago nilang series eh sa Croatia na ito ginanap, huh! Kaya siyempre, sa bansang ‘yon na rin sila magti-taping!

Ang isa pang nakakainggit, ang box-office director na si Cathy Garcia Molina ang direktora nila. Fresh mula sa super blockbuster movie na Hello Love Goodbye kaya mabangung-mabango siya ngayon sa network!

Sorry na lang sa lesser loveteams ng Kapamilya Network.

TBA may movie tribute sa mga writer

Tribute sa writers ng local cinema at handog na rin sa centennial anniversary ng local movie industry ang bagong pelikula ng TBA Studios na Write About Love na pinagbibidahan nina Joem Bascon, Miles Ocampo, Yeng Constantino at Rocco Nacino.

Inihayag din ng TBA bosses na sina Ed Rocha at Ting Nebrida ang line up ng iba pang movies na ipu-produce nila sa isang luncheon kasama ang officers and members ng Society of Phi­lippine Entertainment Editors (SPEED).

Sa totoo lang, maraming naka-line up na movies ang TBA Studios.

“We developing projects a lot and do it next year,” pahayag ni Sir Ed.

Si Ting ang nagsabi ng gagawin pang mo­vies ng TBA Studios. Isa rito ang project na Golden na one year nang dini-develop. Tapos na rin ang legacy project nila sa Sandaan na Habang Buhay na may interview ng mga taong naging bahagi ng industriya.

Nariyan din ang Mother of the Bride, starring Cherie Gil; Like & Subscribe na isang horror; ‘yung Quezon na parte ng trilogy after Heneral Luna at Goyo.

May isang love story na ang World War II ang setting at ang mythology.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with