^

Pang Movies

KZ at Epy bibida sa movie!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Level up ang career ni KZ Tandingan ngayon na hindi lang singer, kundi sasabak na rin sa pag-arte sa una niyang pelikula na siya rin ang bida na may title na The Art of Ligaw katambal si Epy Quizon.

Bale ba, sa mismong hometown ni KZ sa Davao nag-shooting ang dalawa ng ilang eksena na trailer pa lang ay mukhang riot na ang pelikula.

Proud naman ang mga Visaya sa kinantang themesong ni KZ sa kanyang pelikula na ang title ay Balay ni Mayang na super cute at sweet pakinggan. Sa nasabing kanta ay ka-duet din ni KZ si Epy.

Aliw ang ilang listeners na kahit hindi nakakaintindi ng Visaya, super like nila ang rhythm, melody at goodvibes na hatid ng song.

Lumabas pa rin ang magandang boses ni KZ na hindi sumigaw o bumirit na wala rin pakulot na style sa kanta. Simpleng nagkuwento lamang si KZ sa tampuhan ng magsing-irog na hindi na makapaghintay kay Epy sa bahay ni Mayang kung saan daw sila maghaharutan ang dalawa magkasing-kasing.

Ang galing ng kanta na mas kuwela pa sa mga adlib ni Epy na patok sa mga nakikinig ng song. Nagpaandar din si KZ sa bagong single nito na nagpakitang gilas ng kanyang hidden talent sa pagtugtog ng saxophone.

Kaya panay ang shout-out ng mga Visaya sa social media na mas nakakaintindi ng simpleng kanta ni KZ, at bilib sila sa napakagandang rendition sa themesong ng movie ng singer.

vuukle comment

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with