^

Pang Movies

Derek at Andrea nag-post nang naka-couple shirts!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Derek at Andrea nag-post nang naka-couple shirts!

Sa pagtatapos ng sexy-drama series na The Better Woman, mukhang may mas magandang finale, hindi lamang ang serye, kung hindi off-camera between the lead stars na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. 

No problem naman kung sila na talaga ngayon, dahil pareho naman silang single at may karapatang ma-in love sa isa’t isa. 

Wala pang pag-amin ang dalawa, pero hindi nila maitago ang kilig kapag magkasama sila, on and off-camera. Masasabi ngang sa simula pa lamang nang magsama sila sa plug shoot ng summer teleserye ay naging comfortable na ang pagtatrabaho nila.

At sa serye, lagi silang magkasama sa mga eksena dahil as Jasmine, asawa ni Andrea si Andrew (Derek) at kakambal ni Jasmine si Juliet, na sa simula pa lamang ay na-inlove na kay Andrew. 

Dahil sa serye, naging malapit sa isa’t isa sina Andrea at Derek. 

Nang lumaban sa Frisbee competition si Derek sa Shanghai, China ay inimbitahan nito si Andrea na samahan siya, hindi tumanggi ang huli, at sa posts nila mula roon, halatang nag-enjoy ang dalawa.

Last Sunday, nag-post si Derek ng picture nila ni Andrea in couple shirts and caps, with the caption na “my new golfing buddy!!!”

Hindi mahilig mag-golf si Andrea, pero kapag may laro si Derek ay sumasama siya, kaya natuto na rin siyang maglaro ng golf. Kaya naman masaya ang fans nila na pabor sa kung anumang relasyon meron na sila.

This week, mga pasabog na ang eksenang mapapanood sa The Better Woman. 

Ano kaya ang tatanggaping parusa ni Juliet sa mga kasalanan niyang ginawa

Napapanood ang The Better Woman pagkatapos ng The Gift sa GMA-7.

Jo Berry napamahal na sa pag-arte

Parang hindi makapaniwala ang little person na si Jo Berry sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. 

After niyang magbida sa Onanay, kinuha naman siya ng Backyard Productions para sa first movie nilang Kiko En Lala na title roler naman si Super Tekla. 

Sa movie gaganap siyang si Tadhana, an unusual clairvoyant na ang ginagamit niya ay ang pang-amoy niya para makipag-communicate siya sa mga spirits.

“Kung noong una po ay gusto ko lamang i-try ang acting, ngayon, mahal na mahal ko na ang pag-arte at kahit anong role na ibigay sa akin, kakayanin ko, kahit mahirap, kahit may pisikalan pa,” natatawang kuwento ni Jo sa mediacon. 

“Kaya after ng movie back naman ulit ako sa teleserye, ang inspirational series na The Gift na gumaganap akong adoptive mother ni Alden Richards.”

Ngayong gabi gaganapin ang premiere night ng Kiko En Lala sa SM Megamall at bukas, September 25, ang opening nila in cinemas nationwide.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with