^

Pang Movies

Sheryl todo hula hoop kaya sumeksi!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa edad na 40, pinapakita ni Sheryl Cruz na isa pa rin siyang hot mama.

Sa latest pictorial ni Sheryl para sa GMA 7 teleserye na Magkaagaw, nagpa-sexy ng husto ang former child actress sa kanyang suot na white lingerie kung saan litaw na litaw ang kanyang cleavage.

Sey ni Sheryl, gusto raw niyang ipakita kung gaano ka-daring ang kanyang role sa Magkaagaw. Sa istorya ng naturang teleserye, makakarelasyon niya ang Kapuso hunk na si Jeric Gonzales.

Para ma-maintain ang whistle-bait figure ni Sheryl, ang pinaka-exercise raw niya ay ang mag-hula hoop.

Sa kanyang pagkakaroon ng daring image ngayon, kailangan pa raw niyang magpaalam sa kanyang unica hija na si Ashley.

“I told her about my new role and this photo shoot, she approves of it. She said to me that I should do the things that would make me happy.

“I miss my daughter so much. She’s studying in the States right now. If I get the chance to visit her, ginagawa ko,” ngiti ni Sheryl.

Makikita ang sexy photos ni Sheryl sa latest edition ng All Out magazine.

Aga nakakalimang pelikula na sa MMFF

Pinaghandaan ni Aga Muhlach ang kanyang mga eksena para sa pagbibidahan niyang pelikula na Miracle In Cell No. 7.

Ito ang official entry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Philippine remake ito ng 2013 Korean film na pinagbidahan nila Ryu Seung-ryong, Kal-So-won at Park Shin-hye. Nagkaroon din ito ng alternate title na A Gift From Room 7.

Makakasama rin sa movie ang child actress na si Xia Vigor bilang anak ni Aga. Si Bela Padilla naman ang gaganap na grown-up daughter ni Aga.

Sa Facebook page ng Kapamilya Online World, pinost nila ang behind-the-scenes look ni Aga sa loob ng courthouse at sa bilangguan.

Gaganap ang aktor bilang single father na naakusahan na nanggahasa ng isang batang babae.

Pang-limang pelikula ito ni Aga na ginawa niya para sa Metro Manila Film Festival. Ang mga nagawa niya ay Irosin: Pagputol Ng Araw, Babaha Ng Dugo (1989); Bakit Labis Kitang Mahal (1992); May Minamahal (1993) at RPG Metanoia (2010).

Dalawang beses namang nanalo si Aga bilang MMFF best actor for Bakit Labis Kitang Mahal at May Minamahal.

Para matawag na cool wife Demi Moore umaming nakipag-threesome sa ibang babae ng dating mister

Sa nilabas ng Hollywood actress na si Demi Moore na tell-all book na may title na Inside Out, nabanggit nito ang ginawang pambababae ng kanyang ex-husband na si Ashton Kutcher at ang pagpuwersa nito sa kanya sa isang threesome sex.

Sa walong taong pagsasama raw nila ni Ashton, dalawang beses daw niyang nahuling nambabae ito. Ang names pa ng mga babae ay sina Brittney Jones and Sara Leal.

These are the same girls na gusto ni Ashton na maka-sex kasama si Demi. Pinagsisihan daw ng aktres ang ginawa niyang ito.

Inamin ni Demi na pumayag siya sa hiling ni Ashton para masabi na isa siyang “cool wife”.

Kinasal sina Demi at Ashton noong 2005 after two years of dating. 15 years ang age gap nila.

Nag-suffer ng miscarriage si Demi sa dapat na baby nila ni Ashton noong 2004 at sinubukan nila ang IVF treatment, pero hindi naging successful.

Naghiwalay sila noong 2011 at na-finalize ang divorce nila in 2013.

vuukle comment

SHERYL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with