^

Pang Movies

Traje de Magdalena ni Kim, ayaw tantanan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Traje de Magdalena ni Kim, ayaw tantanan!
Kim

Kontrobersyal pa rin ang gown ni Kim Chiu na isinuot sa ABS-CBN Ball last week. Ito nga yung gown designed by local designer na si Benj Leguiab IV at pinaglaruan sa internet na ginawan ng maraming memes.

Ang latest issue naman ngayon, hindi naman daw talaga ginawa exclusively for Kim ang nasabing gown dahil last year ay ganitong disenyo rin ang isinuot ng isang kandidata sa Mutya ng Pilipinas made by the same designer.

Nakita namin ang larawan ng kandidata wearing that gown at pareho nga ng design with less detail on the mermaid-tail.

Proud na proud pa naman si Kim na ikinuwento sa kanyang vlog na 2 months daw na pinaghirapang gawin ng designer ang kanyang gown na akala niya marahil ay exclusive lang sa kanya ang design. Sey pa niya, “meant to be” raw sa kanya ang naturang gown.

“I just wanna say thank you to my team who worked so hard for my look thank you @benjleguiab_iv for making this gown for almost 2 months, hand crafted, beautifully beaded piece by piece saw how you worked hard for this, thank you,” post pa ni Kim sa kanyang Instagram.

Sa IG account naman ni Benj Leguiab IV ay nakalagay ang detalye ng gown ni Kim na tinawag niyang Traje de Magdalena.

“Barong is commonly wears by Filipino men and i used this Inspiration for women dress to filipiñana as a gesture of being “Brave and strong Filipina” like Magdalena Estiosta Leones.

“Materials: 24 differents types of beads glass, Pearls and swarovski crystals and others..” ang bahagi ng deskripsyon ng designer sa gown ni Kim.

Well, okay lang naman sa designers ang mag-ulit ng design or i-retouch ito pero kung kasing-sikat namang tulad ni Kim ang magsusuot, mas maganda siyempre kung original ang design at hindi nagamit na.

Kariton ni Jo Berry, may kuwento

Sobrang passionate ng mga tagasubaybay ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. As we all know ay nagsimula na nga last week ang pinakaabangang serye at sa pilot week pa lang ay talagang halos gabi-gabing nag-trending ang programa. Inulan din ito ng mga papuri at positive comments mula sa mga manonood.

Nakakatuwa rin na ultimo kaliit-liitang detalye ay napapansin ng netizens/viewers tulad na lamang ng kariton ni Jo Berry na gumaganap na Strawberry at nanay-nanayan ni Sep (Alden).

Nabasa naman ito ng direktor na si LA Madridejos at natutuwa siya na may nakapansin ng kariton.

“Yey may nakapansin ng Kariton. Yung kariton symbolizes yung love ni Sep kay Straw. Habang tumatagal, binubuo ni sep yung kariton based sa pangangailangan at kakayahan ni Straw. Kaya ganun nalang proteksyunan ni Straw yung kariton sa opening,” paliwanag ni direk LA.

Natutuwa ang direktor na magbasa ng tweets at halos lahat ng komento’t tanong ay sinasagot niya pati na nga ang mga suggestions and demand ng manonood lalo na nga ng mga fans ni Alden.

May isa ngang nagtatanong kay direk kung napipikon na ba siya at sinagot naman ito ng direktor.

“Hello. hindi po pikon. Ayaw ko lang talaga ng personal attacks. Tsaka enjoy din makipagkwentuhan sa mga viewers. Parang malaking field study ng mga ideas. Positive and negative. Parehong may natutulong,” reply ni direk LA.

Sey naman ng fans, sana raw ay habaan ng direktor ang pasensiya lalo na sa mga darating pang episodes dahil expected na ngang may fans na maraming hanash not to mention the fact na hindi rin maiiwasan ang bashings.

But all in all ay napakarami namang pumupuri sa The Gift kaya naman very thankful ang direktor sa lahat ng comments, positive man o negative, gayundin sa lahat ng supporters na nagpapa-trending gabi-gabi sa Twitter.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with