^

Pang Movies

Diana ng PBB aminadong nakikipag-date pa rin sa kapwa babae

Gorgy Rula - Pang-masa
Diana ng PBB aminadong nakikipag-date pa rin sa kapwa babae
Franki Russel at Diana Mackey

MANILA, Philippines —  Marami na ang nakapansin sa madalas na pag-trending ng tandem na Frankiana na sina Franki Russel at Diana Mackey ng Pinoy Big Brother.

Mas kilala silang ‘Kiwi sisters’ at nagustuhan ang tandem nilang dalawa, lalo nang inamin ni Diana na nakikipag-date siya sa kapwa girls.

Pero hindi naman niya sinasabing attracted siya kay Franki. Basta close friends lang daw silang dalawa.

Okay lang naman kay Franki na parang pina-package silang mag-tandem pero hindi naman daw loveteam.

Sa totoo lang, type niyang maka-loveteam ang housemate ding si Argel Saycon dahil ang cute raw, pero may girlfriend daw kasi ito.

“Ang guwapo talaga, pero I respect that he has a girlfriend outside. So as a Filipino girl with morals, I respect that and he’s a great guy,” pahayag niya sa isa pang interview pagkalabas niya ng PBB house.

Pero mas umepek kasi ngayon ang tandem nila ni Diana, kaya nga kinuha silang dalawa sa Ang Probinsyano.

Kakaibang experience rin daw para kay Franki na nakatrabaho niya si Coco Martin.

“Ang suwerte ako. I learned a lot from him. He’s so inspiring. He’s acting, he’s directing. I’m looking forward to work with him pa,” pakli ni Franki.

Dahil sa lakas nila sa social media, nagkainteres pa ang isang Spanish magazine na Padrisimo at iniimbita silang mag-pictorial sa Spain.

Hindi lang alam ni Franki kung ilalabas ba sila ni Diana as a couple ba o magka-loveteam.

Nilinaw naman daw sa kanila na entertainment magazine itong Padrisimo at hindi pang-LGBT.

Nagugulat lang daw siya sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga netizens.

“It’s very crazy and they trend everyday on Twitter, and I can’t believe it. I’m blown away.

“It’s crazy. We’ve got exciting projects coming up toge­ther,” bulalas ni Franki.

Okay lang daw kay Franki kung ipa-partner sila ni Diana, pero nilinaw niyang hindi siya nakikipag-relasyon sa kapwa babae.

“Ive always been…men talaga,” napapangiti niyang pahayag.

Piolo, Sharon, Regine at ilan pang sikat, nag-volunteer sa gabay guro

Mahigit 20,000 na guro ang dumagsa sa SM MOA Arena kahapon para makisaya sa Gabay Guro Grand Gathering na taun-taong ginagawang tribute ng PLDT at Smart para sa kanila.

Star-studded ang naturang event na in-organize ng Chairperson ng Gabay Guro na si Ms. Chaye Cabal-Revilla.

Ilan sa mga big stars na dumalo para pasayahin ang mga guro ay sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gabby Concepcion, Kuh Ledesma, Piolo Pascual, Ian Veneracion at marami pa.

Sina Jose Manalo, Wally Bayola at Dimples Romana ang nag-host na kung saan marami silang ipina-raffle sa masuwerteng guro gaya ng house and lot at Foton car.

Dito na rin ini-launch ang free app para sa mga guro na Gabay Guro app.

Malaki ang pasasalamat ni Madam Chaye sa stars na taun-taon nilang nakakasama sa malaking pagtitipong ito.

Volunteers ang tawag nila sa mga stars na laging sumasali rito dahil kagaya natin, mahal din nila ang kanilang mga guro na naging bahagi ng kanilang buhay.

Kaya for 12 years na pagpapasaya nila sa mga guro, nakakatuwa raw na parang panata na raw ito ng mga kilalang artista na maging bahagi sa malaking event na ito ng Gabay Guro.

Kahit nga ang ilang hindi pumupuwede sa schedule, tumutulong naman sila sa pag-promote sa kanilang social media account.

Si Derek Ramsay ang madalas ding sumasali rito, pero hindi lang siya pumuwede kahapon kaya nag-post na lang siya sa kanyang Instagram account para may partisipasyon din siya para sa Gabay Guro.

Bahagi nga ng caption ni Derek sa ipinost sa kanyang Instagram account; “It saddens me that I can’t be there this year but I’ll always support this event because our teachers deserves so much respect.

“Their role in our society is so important for they help and secure the future of our youth.” 

                                                               

vuukle comment

DIANA MACKEY

FRANKI RUSSEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with