Morissette at Jason nag-collab sa bagong kanta
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

Matapos ang kontrobersyal na pang-aaway sa kanya ng ama sa social media, muling nagbabalik si Morissette Amon sa paggawa ng magandang awitin.

Sa bago niyang kanta na Diyan Ba Sa La­ngit na kasama sa 10th year anniversary album ng songwriter na si Kiko Salazar na AFTER DARK, ka-collaborate niya ang singer na si Jason Dy na champion ng The Voice Phi­lippines season 2 at mula sa team ni Sarah Geronimo.

Ini-release ng ABS-CBN Star Music ang nasabing kanta noong September 20 lang at umani na agad ito ng libong views.

Ayon kay Morissette, ang original daw niya talagang ka-duet sana ay si Daryl Ong na galing din sa The Voice Ph. At mula naman sa team ni Apl.de.Ap, pero hindi na nito idinetalye kung bakit hindi si Daryl ang naka-collaborate niya sa bagong kanta.

Wala naman daw problema kay Jason kung second choice lamang siya, ang mahalaga, masaya siyang maka-duet si Morissette at maiparinig sa OPM fans ang napakagandang awiting kanilang ginawa.

MORISSETTE AMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with