Katarina pinayuhang ‘wag magpapa-stress si Michelle Dee
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

Maganda ang advice na binigay ni Katarina Rodriguez kay Michelle Dee nang ipasa niya rito ang korona bilang Miss World Philippines 2019.

Si Katarina ang nag-compete sa Miss World 2018 at hindi nga siya sinuwerte. Kaya dasal niya na suwertehin si Michelle sa pag-compete nito sa Miss World 2019 sa London on December 20.

Kabilang sa mga sinabi ni Katarina kay Michelle ay ang mag-enjoy at huwag masyadong ma-stress sa pageant.

“I told her this, my biggest advice is to give it your best but avoid stressing out too much.

“The thing with Miss World is it’s anyone’s ball game and it’s an international pageant.

“There are around 130 girls and the point is to not stress yourself out because you might end up not prioritizing the right things.

“It’s all about giving it your all and having fun, because it’s an important part of pageantry. If you give it your all, you won’t be regretful.”

Rocco at volleyball player na girlfriend naka-two years na

Nag-celebrate ng kanilang second anniversary ang Kapuso actor na si Rocco Nacino at ang non-showbiz girlfriend niyang si Melissa Gohing.

Nataon naman na kailangang mag-abroad ni Rocco dahil sa series of shows na gagawin niya at ng ibang Kapuso stars sa Dubai. Kaya binati na lang niya muna ang kanyang girlfriend via Instagram.

“Before I board my flight to Dubai, I want to greet and thank this beautiful woman who is still supportive even though I have to work on our special day. Happy 2nd Anniversary Mi Amor. Time indeed flies when you’re having fun. Thank you for all our adventures and memories together. Cheers to more decades and happiness. Happy 2nd to us my forever Beer Buddy, @gohingmelissa.”

Sinorpresa naman ni Melissa si Rocco ng isang 2-minute video ng kanilang mga naging date nights at beach trips, kasama ang kanilang pet Corgis na sina Valentine and Arrow.

Isang professional volleyball player ang girlfriend ni Rocco.

J.Lo at fiancé pinaplano na ang kasal

Pinaplano na raw nila Jennifer Lopez and Alex Rodriguez ang kanilang magiging wedding.

Na-engage sina J.Lo noong March 2019 at walang katulad ang emerald-cut diamond engagement ring na bigay ni A.Rod na may worth between $1 and $5 million.

Naungkat ng Entertainment Tonight ang ilang wedding plans ng dalawa.

Ang 11-year old son ni J.Lo na si Max will walk her down the aisle. Ang twin sister naman ni Max na si Emme ay makakasama ang mga anak ni A.Rod na sina Ella at Natasha sa pagplano sa wedding party.

“It’s always tricky when you merge families, but Jennifer and Alex did a great job from the start. The kids are amazing together. And they have wanted Jennifer and Alex to get married for a long time. They will all definitely be a huge part of the wedding,” ayon pa sa E.T.

Isa pang news about the wedding, isa itong destination wedding.

KATARINA RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with