Certified vlogger na Julia pinagkakakitaan na rin ang bashers!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

May YouTube vlog na rin si Julia Barretto at ang first video na in-upload niya kahapon ay ang mga behind the scenes niya sa ABS-CBN Ball 2019 habang nasa loob ng hotel room at naghahanda para sa natu­rang event.

Ayon sa kanyang IG post, isang taon din daw niyang pinag-isipan kung gagawa siya ng vlog.

“It’s official, I’m going to be on Youtube! I’ve been thinking really long and hard about this for almost a year already. Thank you to everyone who encouraged me to finally do this,” ang announcement niya sa IG.

Sa kanyang first video ay tumatak sa mga viewers ang diskusyon nila ng kapatid na si Claudia Barretto habang nasa hotel room tungkol sa mga taong ayaw sa kanila.

Sabi ni Claudia, kapag ayaw daw sa kanya ng isang tao ay hindi niya pipilitin.

“I don’t wanna feel insecure about myself because of someone else,” ani Claudia.

Sumang-ayon naman si Julia at sey niya, “never force yourself to a guy or to anybody, actually.”

Ayon pa kay Julia, i-save na lang daw ang energy sa taong gusto ka.

Natuwa naman ang mga fans ni Julia sa bago niyang YouTube account though may nagkomento na matalino raw ang young actress for coming up with a vlog para mapakinabangan ang mga bashers by YouTube views.

“Julia is so SMART. She’s monetizing the bashers’ energy and effort to stalk her and bring her down through YouTube views. Ahahahaha. Great job!!!!!” komento ng isang netizen.

Kuya Dick ‘di pa nagsasawa

Mukhang malaki ang gagampanang role ng nagbabalik-telebisyon na si Roderick Paulate sa upcoming series ng GMA 7 na One of the Baes topbilled by Ken Chan and Rita Daniela.

Lumikha agad ng ingay si Kuya Dick (tawag kay Roderick) nang mag-viral ang video niya na kuha sa set ng One of the Baes matapos itong makakuha ng million views sa Facebook.

Komento ng marami, wala pa rin daw kupas si Kuya Dick sa pagpapatawa at mukhang isa siya sa inaabangan sa nasabing serye.

Bukod kay Dick, magagaling din ang iba pang veteran stars na kasama sa tinagu­riang “millenial fairytale series” na sina Amy Austria, Melanie Marquez, Tonton Gutierrez, at Jestoni Alarcon.

Malapit nang mapanood ang One of the Baes na talaga namang pinaghandaan nang husto nina Ken at Rita.

Zia marunong nang mag-decide sa endorsement

Hindi lang si Marian Rivera ang kabi-kabila ang endorsement kungdi maging ang panganay niyang anak na si Zia. In fact, next month nga raw ay may ilo-launch silang mag-ina.

Of course, may nakaabang na ring mga offers sa bunso nilang anak na si Ziggy pero ani Marian, “pag six months na siya.”

“Para sa future nila ‘yun. Kaya happing-happy ako, sabi ko nga, eh, salamat sa mga biyayang ito dahil mase-secure namin ang kanilang kapalaran, ang kanilang future,” sey pa niya.

Sa ngayon ay si Zia na raw mismo ang nagde-decide ng gusto niyang tanggaping endorsement since nagsasalita na ito.

“Bago namin tanggapin ang isang produkto, tinatanong namin siya, ‘pwede ka ba? Gusto mo ba ‘to?’ Kasi nakakapagsalita na naman siya, eh. Nakaka-decide na siya. Pag sinabi niyang “yes mama, gusto ko ‘yan,” okay, gawin natin. Pag ayaw, eh di huwag,” sey ni Marian.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with