Alden inaabangan kung makakalusot kay Juday
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

Sigurado na raw ang comeback serye ni Judy Ann Santos matapos ang anim na taong pagkawala sa telebisyon at siyang makakatapat ng tumatakbong serye ni Alden Richards.

Malaking partida na iyan para kay Alden. kumbaga, kulang sa exercise ang fans ni Juday dahil anim na taon siyang nawala sa telebisyon.

Sa loob naman ng panahong iyan ay very visible si Alden. Nakakuha siya ng phenomenal following nang itambal kay Maine Mendoza sa AlDub, at nang maitambal naman kay Kathryn Bernardo ay naging bahagi siya ng isang pelikulang gumawa ng box-office history. Maging ang mga pelikula ni Juday noong araw na matindi ang popularidad niya ay hindi nakagawa ng ganoong box-office record.

Ngayon hindi lamang Pilipinas, inaangkin na rin ng network ni Alden ang buong Asya para sa kanya, matinding partida na iyan.

Noong magsimula ang kanyang serye, ibinalibag siya ng mas naunang serye ni Angel Locsin. Kumbaga sa boxing, napangahan agad siya. Pero ngayon baka mas may chances nga siya sa pagpasok ni Juday, pero oras na si Alden ay matalo, kahit na hindi bumalibag ang kanyang serye, aba eh mag-iisip na kami nang husto, baka nga kailangan niya ang isang Kathryn Bernardo ulit para makatayo.

Ang tanong, possible kayang gawin iyon? Ganoon din naman kaya ang resulta kung ang pelikula ay hindi iendorso ni Daniel Padilla kagaya ng ginawa noon sa una nilang pelikula?

Wala kasing duda na ang malakas na ka-loveteam ni Kathryn ay si Daniel, pero dahil sa gusto niyang makitang makatayo ang girlfriend kahit na hindi siya ang partner, aba todo-todo ang ginawang endorsement diyan ni Daniel. Talo pa iyong sa sarili niyang pelikula.

Sa laban nila ni Juday, bumalibag pa kaya si Alden?

Mga Pinoy hindi raw marunong manood ng totoong pelikula

“Sana matuto na ang Pnoy na manood ng pelikula,” sabi ng isang supporter ng isang pelikulang hindi pinanood ng mga tao sa isang katatapos na festival ng mga pelikulang indie. Pero alam kaya niya na baka nasa dulo pa lang siya ng puno ng sampaloc marunong nang manood ng sine ang mga Pinoy?

Kung hindi ba marunong manood ng pelikula ang mga Pinoy, tatagal ba yan ng isandaan at pitong taon na kung hindi ba sila nanonood ng pelikulang Pinoy, tatalunin natin ang mga pelikulang ingles na noon ay siyang may hawak ng mga sinehan?

Sasabihin namin ngayon, marunong manood ng pelikula ang Pinoy. Kayo ang hindi marunong gumawa ng pelikula.

Direktor nababaon sa utang dahil sa ‘minamahal’

Marami na raw utang ngayon si direk. Hindi na siya gaanong in demand at matagal na rin naman siyang walang assignment. Iyong mga pelikula kasi niyang huli, hindi na rin kumikita. Kung minsan nagpapaka-kritiko na lang si direk at nagbibigay na lang ng opinion tungkol sa iba, pero ang life style niya, hindi pa rin nagbabago. Ang “suporta niya sa kanyang minamahal” ay ganoon pa rin.

Iyon daw ang dahilan kung bakit nababaon na siya sa utang talaga. Para siyang iyong isang dating sikat na female star na nababaon din sa utang dahil sa “suporta sa kanyang minamahal”.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with