Dennis, Ken at Alden naki-join sa Pink event sa Thailand
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

Transwoman pala ang Chief Executive Officer ng JKN Global Media Public Company, si Anne Chakrapong, ang media content provider ng Kapuso shows sa Thailand. Take note, hindi lang siya simpleng transwoman kung hindi bilyonarya pa, huh!

Inorganisa ng JKN ang Diamond Pink event para sa launching ng ilang Kapuso series sa Thailand. Dumalo sina Dennis Trillo, Ken Chan at Alden Richards dahil mapapanood sa bansa ang series na pinagbidahan nila gaya ng Destiny Rose ni Ken.

Sa pagkanta ni Ken, naka-duet niya sa stage si Anne para kantahin ang theme song ng Destiny Rose sa lengguwaheng Thai, huh!

Sa report sa 24 Oras, inabot ng dalawang buwan bago na-master ni Ken ang theme song.

Isang transwoman ang character ni Ken sa Destiny Rose.

Samantala, ang My Faithful Husband ni Dennis at Destined To Be Yours naman ang show ni Alden.

Kita ng PPP 2019 mas malaki

P138-M plus ang kinita ng Pista ng Pelikulang Pilipino 3 sa loob ng isang linggong palabas hanggang Septemer 18. Mas malaki ito kumpara nu’ng isan taon.

Ang nakakagulat, tanging ang entry na The Panti Sisters ang umabot sa P103.M plus, huh! Sinolo talaga nito ang pinakamakalaking kita!

Of course, hindi pa opisyal ang figures na ‘yan dahil wala pang official release ng box-office figures si Film Development Council of the Philippines Chairwoman Liza Dino-Seguerra.

Basta sa pahayag niya, extended ang Top 4 grossers – Panti Sisters, Open, Cuddle Weather at LSS – sa commercial cinemas habang ‘yung iba eh sa Cinema Lokal ang extension.

May umaapela nga lang grupo ng fans dahil ‘yung entry ng kanilang idolo eh hindi na sa commercial theaters mapapanood, huh!

DENNIS TRILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with