^

Pang Movies

Regine buwisit na rin sa traffic, may sina-suggest na solusyon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Regine buwisit na rin sa traffic, may sina-suggest na solusyon
Regine Velasquez

Parang naloka na rin si Regine Velasquez sa matinding traffic sa kasalukuyan.

May naisip siyang puwedeng solusyon. “May suggestion bakit kaya hindi I try ng mga kumpanya na iba ibang oras ang labas ng mga tao. Para sa ganon medyo gumaan ang traffic. Kaya lang ang dami nila ano yun pag uusapan ba nila?? o bawat lugar ba??? Ay ewan #lalang,” tweet niya.

Kung sabagay, dusa talaga ang karamihan sa traffic.

Pero depende na lang sa ‘yo kung paano mo iha-handle.

May kakilala ako na imbes na kunsumihin ang sarili sa traffic, nanonood na lang ng mga palabas sa streaming sites. O di kaya naman ay nag-a-update sa kanyang social media accounts.

Anyway, bisi-bisihan na si Regine sa two-night concert nila ni Sharon Cuneta na Iconic sa Araneta Coliseum October 18 & 19,  Araneta Coliseum.

Talbog na ang mga artista natin... birthday ng Korean superstar nag-trending sa mga Pinoy

Pati birthday ng Korean superstar na si Song Joong-ki trending sa mga Pinoy.

True nga yatang obssessed na ang mga Pinoy sa mga Korean star at mas matindi na ang paghanga nila sa mga dayuhang artista particular na ang mga Korean kesa sa mga local artist natin.

As if kilalang-kilala nila si Song na ex husband ng Korean actress na si Song Hye-kyo at bumida sa super hit K series na Descendants of the Sun. Magkakaroon ng local adaptation ang DOTS na pagbibidahan ni Dingdong Dantes na kailangan na raw umpisahan dahil matagal na itong nabili ng GMA 7 sa Korean producer nito.

Anyway, happy birthday na rin kay Song...

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with