^

Pang Movies

Sarah ka-join sa movie nina Bossing at Maine sa MMFF

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah ka-join sa movie nina Bossing at Maine sa MMFF
Sarah Lahbati

Kung last year ay nag-guest sa Metro Manila Film Festival official entry na Fantastica si Sarah Lahbati dahil sa fiancé na si Richard Gutierrez, ngayong MMFF 2019 ay kasama rin siya sa isang official entry.

Naka-three shooting days na nga si Sarah para sa Mission Unstapabol: The Don Identity ni Bossing Vic Sotto.

Noong unang i-announce ang tungkol sa pelikulang ito ay sina Pokwang, Jake Cuenca, Wally Bayola, Tonton Gutierez at Maine Mendoza ang mga nabanggit lang na co-stars ni Bossing Vic, pero last month nga ay kinausap si Sarah para mapabilang doon.

Hindi pa nga lang nagkukuwento si Sarah kung ano ang role niya sa Mission Unstapabol: The Don Identity ni Bossing Vic.

Pero tiyak na matutuwa ang mga fan ni Sarah na may bago siyang movie project katulad ng katuwaan nila na may movie rin si Richard kasama sina Bea Alonzo at Angelica Pangilinan.

Miriam malayo ang kapalaran sa bagong asawa kesa sa nauna

Ang cute tingnan ng mag-asawang Ardy at Miriam (Quiambao) Ro­berto sa bakasyon nila sa Bali, Indonesia dahil karamihan sa mga suot nila roon ay “twinning” sila.

Sa tuwing nakikita ko si Miriam, palagi niyang kasama ang mister na si Ardy.

Sobrang saya ni Miriam sa kanyang married life ngayon.

Obvious na malayung-malayo ‘yon sa kanyang unang married life na nauwi sa hiwalayan.

Monching inaalagaan pa rin ng nanay

Madalas na mag-show si Ramon Christopher kasama ang nanay niyang si Pilita Corrales.

Masaya si Monching dahil may trabaho na siya at madalas pa niyang makasama ang kanyang nanay.

Madalas na ikuwento ni Monching na kahit pamilyado na siyang tao ay sobrang alaga pa rin sa kanya ang kanyang nanay.

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with