Marco Gumabao
Marco may kailangan pang patunayan
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

Matatapos na ang high-rating series na Los Bastardos. Sinasabi nga nila na iyan lang ang afternoon series na nag-rehistro ng all time high sa ratings simula noon. Pero gustuhin man nilang pahabain pa ang serye, hindi na puwede dahil talagang tapos na ang kuwento.

Iyan naman kasing si direk Ruel Bayani, na siyang in charge ng produksiyon ng LB ay nagsasabi kahit noon na hindi siya believe doon sa pilit na binabatak ang kuwento dahil lang sa mataas ang ratings ng show.

Ang gusto niya, kung tapos na ang kuwento, tapos na rin ang serye. In fact napahaba na nga rin iyan dahil tumakbo sila ng halos isang taon din.

Diyan sa seryeng iyan unang napansin si Marco Gumabao. Bagong salta lang naman siya sa showbusiness noong panahong iyon, at malaking bagay na isa siya agad sa mga bida sa nasabing serye. Hindi nga lang masasabing siya ang pinaka star sa kanilang lahat dahil balance ang mga role eh.

Ngayon dahil sinasabi nila na naging bida na rin naman siya at ang pelikula naman niya ay kumita kahit na papaano, plus hinuhulaang siya nga ang bibigyan ng build up matapos na mawalan ng leading man ang Viva nang umalis si James Reid, siguro nga masasabing advantage para sa kanya na matatapos na ang Los Bastardos.

Pagkatapos ng serye, hindi na supporting star ang tingin sa kanya. Maaari na siyang mag-solo talaga pero siyempre depende rin naman iyon sa kung ano ang susunod niyang proyekto at kung ano nga ang magiging pagtanggap sa kanya ng publiko bilang leading man.

Iyong role kasi niya sa pelikula ay medyo off beat pa rin, isang mas batang lalaking nakipag-relasyon sa isang older woman. Puwede ba siyang tumawid sa mga mas wholesome na roles na gaya ng ginagawa ni James noon o ihahanap na lang siyang lagi ng mas matured na role?

Andrea sumabit sa continuity!

Ilang araw na lang ang natitira, sumabit pa si Andrea Torres sa kanilang serye dahil sa maling continuity. Pero isipin ninyo ha, kung gaano katalas ang mata ng audience ngayon. Napansin nila na iba ang suot niyang damit sa eksena, at ang pagkakaiba ng damit na supposed to be ay suot niya nang alisin niya ang takip sa bibig ng isang character na kanyang ginagampanan, na karugtong lamang.

Maliwanag ang nangyari, hindi na-check ang suot na damit ng kanyang “double” bago kinunan ang eksena, at siguro hindi nila akalaing mapapansin pa ang ganoong split second shot lang naman.

Pero may nakapansin nga, hinanap ang video, na-download at naging viral at usapan sa mga social media platform. Kung kailan pa matatapos na ang serye at saka pa sumabit nang ganyan.

Aktor na durugista –sumasabit ‘pag sumasama kung kani-kanino

Mukhang naka-recover na sa kanyang dating “bisyo” ang isang mahusay pa naman sanang male star. Unang pelikula pa lang niya napansin na siya ng mga kritiko, kaso naunahan siya ng masamang impluwensiya sa kanya. Nagkaroon siya ng bisyo at napabayaan ang career. Sinubukan siyang tulungan ni direk na makapag-comeback kahit na sa mga indie, hindi pa rin nagpakatino.

Ngayon naman siguro dahil matanda na rin siya at malalaki na rin ang mga anak niya, magpapakatino na siya. Magbabalik daw siya sa showbusiness. Kasali na raw siya sa isang ginagawang serye sa ngayon.

Sana nga tumino na siya at matigil na iyong ugali niyang kung kani-kanino siya sumasama na nakakasira sa kanya.

MARCO GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with