^

Pang Movies

Maxine at Kylie naplantsa na ang duraan

Debbie Castillo - Pang-masa
Maxine at Kylie naplantsa na ang duraan
Maxine Medina

MANILA, Philippines — Malapit nang matapos ang Los Bastardos na tumagal din ng halos isang taon.

Haharapin na ng magkakapatid na Cardinal ang pinakamalaking laban ng kanilang buhay—ang puksain ang kasamaan ni Cata­lina (Jean Saburit) gamit ang pagmamahal sa pamilya, pag-ibig, at katapangan.

Mananatili pa rin ang pag-asa sa puso nina Isagani (Jake Cuenca), Lorenzo (Joseph Marco) at Lucas (Albie Casiño) na mahahanap nila si Connor (Joshua Colet) at mu­ling mababawi si Matteo (Marco Gumabao) mula sa kamay ng mga kalaban ngayong isa-isa nang napapabagsak ang mga tauhan ni Catalina, dahilan para humina ang kanyang masasamang balak.

Kinapulutan ng aral ang pagmamahalan nina Don Roman (Ronaldo Valdez) at Soledad (Gloria Diaz) na parehong hindi sumuko sa kanilang walang kapantay na pagmamahalan kahit paulit-ulit silang sinubok ng tadhana.

Pero lately ay mas naging kontroberyal ang nasabing serye dahil sa duraan nina Maxine Medina at Kylie Versoza.

Ayon mismo kay Kylie, bilang isang kontrabida ay hindi siya agad nakawala sa kanyang karakter.

 “Nagkaroon kami ng eksena ni Maxine. Napalakas po ang eksena ko, super heightened ang emotions so napalakas.

“Nakaposas po ako, dalawang pulis ang nakahawak sa akin.

“So napalakas talaga, nadala talaga sa eksena. Nag-sorry naman ako right after. Kasi hindi na talaga ako ‘yun,” kwento ni Kylie kahapon sa finale presscon ng Los Bastardos.

“Nag-switch kasi from bida to kontrabida, first time actor po ako, so talagang grabe po ang naging emotion, nakaka-challenge. Hindi mo naman maiiwasan na may nasasaktan. Ako nga po ang dami kong pasa-pasa.”

Idinenay nito na nagselos siya kay Maxine at sa madalas nitong kaeksena na si Jake Cuenca kaya niya ito dinuraan.

Ayon naman kay Maxine, lumipas muna ang four bago nag-sorry si Kylie kaya ok na sila.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with