^

Pang Movies

Taping ni Alden nabiktima ng matinding ulan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Taping ni Alden nabiktima ng matinding ulan!
Alden Ri­chards

Nabiktima ang taping ng The Gift sa Divisoria dahil sa malakas na ulan at baha nu’ng Lunes, Kinailangan nilang bumalik kinabukasan para ipagpatuloy ang naantalang taping.

Eh ang ikinatuwa ang director ng series na si LA Madridejos, kahit natutuluan ng ulan sa isang lugar, ayaw magbalikan ng ilang cast sa stand by area nila.

Pahinga muna ng ilang araw si Alden Ri­chards dahil kinailangan niyang lumipad patungong Thailand kahapon para dumalo sa isang event kung saan may launching ng GMA shows sa bansa.

Aba, maya’t maya ang biyahe sa abroad ni Alden, huh! Konting biyahe na lang, malilibot na niya ang buong mundo, huh!

Bea at Angelica kailangang magpaturo kung paano ma-in love kina Anne at Angel 

BFF ang dating ng picture nina Anne Curtis, Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Angel Locsin na lumutang sa social media.

Winner ang mga ngiti nila kaya naman ang hi­ling ng netizens ay pagsamahin silang apat sa isang pelikula at siguradong sabog sa dami ng tao ang manonood ng movie, huh!

Of course, sa apat, sina Anne at Angel ang happy sa kanilang personal lovelife. May Erwan Heussaff si Anne habang si Angel ay papakasal na kay Neil Arce.

Naku, Bea and Angelica should learn from Anne and Angel pagdating sa pag-ibig, huh! Kapwa sila ngayon swerte sa lalaki. Kaya dapat ay pag-aralan nila yun.

Buti pa nga si Maymay Entrata na hindi man masyadong kagandahan eh meron namang super guwapong si Edward Barber, huh!

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with