^

Pang Movies

Lola ni Maymay gustung-gusto si Edward

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Lola ni Maymay gustung-gusto si Edward
Maymay Entrata at Edward Barber

Parehong consistent sina Maymay Entrata at Edward Barber sa pagsasabing meron ngang namumuong romansa sa pagitan nilang dalawa. Ganunpaman, pareho silang hindi pa handa na pumasok sa isang relasyon.

“Wala pa, wala pa,” tukoy ni Maymay, who said, though, na sa pagdating ng tamang panahon, kapag sigurado na siya sa nararamdaman niya at gusto niya na ngang magka-boyfriend, paniguradong si Edward nga ang kanyang pipiliin.

As of the moment nga raw kasi, ang showbiz career niya ang priority niya sa ngayon. Ganun din naman si Edward.

Breadwinner kasi si Maymay ng kanyang pamilya. Marami pa raw siyang pangako sa mga ito, at natutuwa raw siya sa tuwing nakikita niyang isa-isa itong natutupad. Lalo na para sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya dahil kinailangan ng kanyang ina na magtrabaho sa ibang bansa.

Close si Edward sa lola ni Maymay, at habang ini-interview silang dalawa sa Tonight With Boy Abunda ay nakangiti ito sa kanila.

Ryza walang pakialam kina Cholo at Angelica!

Hindi naman daw bothered si Ryza Cenon sa balitang nagkakamabutihan na ang ex-boyfriend niyang si Cholo Barretto at akres na si Angelica Panganiban. As far as she concerned, matagal na silang tapos ni Cholo. At dahil wala na nga siyang nararamdaman, maayos na silang nagkakatrabaho nito sa seryeng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin, kasama na rin sina Tirso Cruz III, Albert Martinez at Paulo Avelino.

More than a year na rin naman nang pumutok ang balitang ‘nagkabalikan’ sina Angelica at Carlo Aquino, pero ngayon, ang huli ay may iba nang kasintahan.

Well kung kami ang tatanungin, bagay sina Angelica at Cholo.

Candy gumawa ng libro para sa anak na special child

Open ang pagiging ina ng komedyanteng si Candy Pangilinan sa anak niyang special child, Quentin, now 15 years old.

In an interview, when she guested sa show na Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, inamin niyang nahirapan siya at first na tanggapin ang katotohanan. But then, she realized na wala siyang choice but to bear with it, and in time, she discovered na kaya pala niyang maging ina ni Quentin.

Sa kanyang naranasan bilang nanay, nakabuo ng libro si Candy, ito ang Mommy Dear: Our Special Love, na ibinebenta ngayon sa mga kilalang bookstore.

In the book, she narrated her journey sa pagi­ging ina sa kanyang anak, na ngayon ay magaling makipag-communicate via vlogs.

Samantala, back to being busy na si Candy bilang aktres. Kasama siya ngayon sa malapit nang ipalabas na pelikulang Jowable na pinagbibidahan ni Kim Molina, kasama rin sina Jerald Napoles at Kakai Bautista.

Jowable is based on a book na same pa rin ang title, which director Darryl Yap wrote himself.

Alex co-producer ang bayaw sa idinidirek na pelikula

Co-producer pala ng Viva Films sa pelikulang Fluffy & Fream ang bayaw ni Alessandra de Rossi na si Jules Ledesma, asawa ng ate niyang si Assunta de Rossi. Ito rin ang magsisilbing first directorial job ni Alessandra. Bukod dito, bida rin siya sa pelikula nila ni Piolo Pascual.

Piolo reportedly didn’t think twice na tanggapin ang pelikula, lalo na nang mabasa nito ang script na mismong si Alessandra pa rin ang sumulat.

Napaka-funky daw ng dating ng pelikula base sa ilang eksena na nasilip ng aming source, at mukhang enjoyable rin daw.

Samantala, pagkatapos daw ng pelikula niyang ito kay Piolo ay gagawin naman niya ang sequel ng pelikula nila ni Empoy Marquez na Kita Kita na naging box-office hit noong 2016.

Piolo, on the other hand, if plans push through, is set to leave for Florence, Italy for his reunion movie with Claudine Barretto, with hopefully, Cathy Garcia-Molina will direct.

Piolo and Claudine were first teamed-up in Milan, filmed in Milan, Italy, nearly 13 years ago na ang nakakaraan.

Written by Raymond Lee, it had Olive Lamasan, now the managing director of Star C­inema, which also produced Milan at the helm.

Cathy Garcia-Molina, now confirmed box-office and award-winning director ay dating assistant director ni Olive Lamasan.

vuukle comment

EDWARD BARBER

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with