^

Pang Movies

Basher ni Juday durog sa fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Basher ni Juday durog sa fans
Judy Ann Santos

Niresbakan ng supporters ni Judy Ann Santos ang basher na nag-face shaming sa aktres na kesyo, malaki ang pisngi ang tinawag siyang ensaymada. Ayun, hindi nakahirit ang basher sa mga comment ng followers ni Judy Ann dahil sobrang layo ang hitsura niya kay Judy Ann kahit sa Amerika siya nakatira.

Tama ang depensa ng supporters ni Judy Ann na wala ngang ginagawang masama ang aktres at nagkakawanggawa pa nga dahil nagpa-auction ng two gowns, may nasasabi pa rin ang kanyang bashers.

Anyway, hanggang ngayong araw na lang, 7pm., ang bidding ng Yong Davalos at Oscar dela Renta gowns na kanyang ipina-auction na ang Bantay Bata 163 ang beneficiary.

Alden, Ken at Dennis sinalubong ng Thai fans

Kahapon pala lumipad sina Alden Richards, Ken Chan at Dennis Trillo sa Bangkok para sa event ng JKN Global Media, isa sa TV Network sa Thailand. Nakakita kami ng photos nang pagdating ng tatlo sa Thailand na kung saan, may mga nagpapirma ng autograph at nagpakuha ng litrato sa kanila.

Hindi kami sure kung puro Filipinos ang fans na sumalubong kina Alden sa airport

dahil sa audio, maririnig na nagsasalita ng Thai na ang ibig sabihin, may mga Thai na sumalubong sa tatlong Kapuso actors.

Sabi, Sept. 20, ang event, kaya sa Sept. 21, pa makakabalik ang tatlo sa bansa. Bale two days hindi nakapag-taping si Alden ng The Gift, pero puwedeng ang co-stars muna niya ang kunan ng mga eksena ni director LA Madridejos.

Maganda ang feedback sa first three episodes ng The Gift na sinabayan ng mahusay na acting nina Jean Garcia at TJ Trinidad na gumanap na parents ni Sep (Alden).

Guests din sina Meg Imperial at Ruru Madrid at maggi-guest din si Dion Ignacio sa role ng nanloko kay Strawberry (Jo Berry). Marami pang maggi-guest sa teleserye ni Alden na Monday to Friday napapanood sa GMA-7.

Ella at Julian ayaw pang aminin ang relasyon

Makaka-relate ang millennials (lalo na ang maaarte) sa karakter nina Ella Cruz at Carlyn Ocampo sa comedy series ng Viva TV na Sisters Forever (2Gether Poorever).

Nang panoorin namin ang pilot episode sa special screening ng series, hindi namin alam kung matatawa o maiinis sa kaartehan ng dalawa na kuhang-kuha ang arte ng maaarteng millennials na nouveau riche. Maganda ang script at magaling si director Ricky Davao. Nakatulong din para gumanda ang series ang magandang location na bagay sa story.

Sa Saturday, 7pm., ang simula ng airing ng Sisters Forever (2Gether Poorever) sa Viva TV na nasa Cignal TV. Six weeks tatakbo ang series na maraming aral din sa mga teenagers.

Kasama rin sa cast sina  Julian Trono, Gab Lagman, Lander Vera-Perez, Phoemela Barranda, Jamilla Obispo, Debbie Garcia, Shalala, Ashtine Olviga, Yumi Garcia at Vandolph Quizon at Katya Santos as Julian’s parents.

Pansin lang namin, ayaw pa ring aminin nina Julian at Ella ang kanilang relasyon. Ang galing umiwas ng dalawa ‘pag tungkol na sa relasyon nila ang tanong.

Direk Adolf mas madalas sa drama

Kahit kami nagulat nang malamang si Adolf Alix, Jr., ang director ng comedy movie ng Backyard Productions na Kiko en Lala dahil nasanay kami na drama ang ginagawa niya sa TV at movies. Sabi nito, naghahanap ng movie material ang Backyard Productions ng gagawing pelikula at tamang nakita niya si Super Tekla.

Alam ni direk Adolf ang husay sa comedy ni Super Tekla kaya ang comedian ang naisip niyang gawing bida sa gagawing pelikula. Dagdag pa nitong kuwento, when he was growing up, nano­nood siya ng comedy movies ni director Chaning Carlos, pero ang Kiko en Lala ang first comedy project niya.

Sa September 25, ang showing ng movie at malalaman na kung successful si direk Adolf sa first attempt niya sa comedy at kung magagawa niyang box-office star si Super Tekla. Sa Sept. 24, ang premiere night sa SM Megamall.

Si direk Adolf din pala ang director ng pelikulang Circa na pinagbibidahan ni Ms. Anita Linda. Sabi nito, kaya limited ang cinemas na showing ang movie dahil naghahati ang three movies na kasama sa Sine Sandaan ng 3rd PPP cinemas. Wish ni direk Adolf, madagdagan ang theatres at ma-extend ang showing ng Circa.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with