Heart nakatapos na ng libro
Joe Barrameda (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na yata mauubusan ng pagkakaabalahan ang Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil kasabay ng pagtatapos Starstruck 7 kung saan siya ay naging council ay inilunsad naman nito ang kanyang libro na Styled with Heart sa ginanap na Manila International Book Fair sa SMX Convention Center. Ibinahagi ni Heart na ang bestselling author ng sikat na libro at movie na Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan pa ang nagsulat ng kanyang foreword.

Para kay Heart, sa pamamagitan daw ng fashion niya nae-express ang kanyang sarili. “Fashion is not just kaartehan, it’s an expression of one’s individuality and I’m proud of myself that at a young age, I was able to express myself. So yeah, I’m very happy about it,” dagdag pa ni Heart.

Kakyutan ni Martin hinangaan sa movie

Tinanghal na Best Actor ang versatile Kapuso star na si Martin del Rosario sa awards night ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Ito ay para sa mahusay nitong pagganap niya bilang ang sweet na si Daniel sa pelikulang The Panti Sisters.

Nasungkit din ng naturang pelikula ang A­udience Choice Award na kasalukuyan ngayong pinipilahan at dinudumog ng moviegoers dahil sa nakatutuwang kuwento ng tatlong bading na magkakapatid na kinabibilangan din ni Eat Bulaga host na si Paol

o Ballesteros at Christian Bables.

Ayon kay Martin, “Yung role ko simple lang naman pero marami ang nakyutan at humanga, na-appreciate ko lahat ng mga tao na sumusuporta.”

Samantala, mapapanood din si Martin bilang Jared, ang kapatid ng karakter ni Alden Richards bilang Sep sa  The Gift.      

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with