Mabagal nina Daniel at Moira nag-trending din abroad
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Finally ay nakahanap na si Daniel Padilla ng tamang genre na mas lalong bumagay sa boses niya, kasama si Moira dela Torre sa kanta nilang Mabagal na entry ng dalawa para sa Himig Handog 2019 na umabot na sa 10 Million views sa YouTube.

Perfect ang jazz blues para kay Daniel, kaya mas lalong naaliw ang fans.

Proud din ang mga ito sa kanya dahil nag-trending ito hindi lang sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa ibang bansa.

Aliw na aliw ang mga foreigner kahit hindi nila naiintindihan ang lyrics.

Pinatunayan ni Daniel na hindi kailangang magsabi ng bad words o magpakita ng hubad na katawan para lamang pag-usapan ang isang kanta o music video, ang simpleng concept lamang na ganito ay puwedeng-puwede na.

Ang Mabagal ay ikinompows ni Dan Martel Simon Tañedo at buong team nito, at binigyang hustisya nina Daniel at Moira na tiyak na maghahakot ng awards sa darating na Himig Handog.

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with