Janine kinokontak na ng mga sikat na photographer at fashion stylist sa NYC!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Pati si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, humanga sa mga pasabog ni Janine Gu­tierrez habang rumarampa sa New York sa New York Fashion Week.

Sa pinost ni Janine na photos na ang suot niya ay may caption na “@louisvuitton baby,” nag-comment si Pia ng “I can’t win with you” at nag-comment pa ng “You’re a goddess!!!”

Ang ibang actresses ay humanga rin kay Janine gaya ni Iza Calzado at pati na rin si Maggie Wilson, aprubado ang OOTD ng Kapuso actress. Parang wala yatang maling isinuot si Janine sa entire time she was in New York.

May American photographer na nag-message kay Janine kung puwede siyang i-pictorial at may mga fashion stylist na gusto siyang makilala. Dumating nga kaya ang time na iwan nito ang Pilipinas at ang showbiz para sumubok sa pagi-ging model sa New York?

Paano si Rayver Cruz? Papayag ba ang aktor na iwan siya ni Janine?

Tekla tinulungan ni Alden mag-promote

Nasa Instagram ni Super Tekla ang pasasalamat kay Alden Richards dahil nag-promote ito ng launching movie niya na Kiko en Lala na showing na sa September 25.

Nakasama ni Super Tekla si Alden sa Cebu City sa promo naman ng The Gift at Boardwalk, kaya napakiusapan ni Super Tekla si Alden to promote his movie na ginawa naman nito.

Makikita sa video na inalam pa talaga ni Alden ang full title ng movie ni Super Tekla at pati ang playdate ng Kiko en Lala.

Samantala, happy at overwhelmed si Super Tekla na pinagkatiwalaan siya ng Backyard Productions na bigyan ng launching movie sa direction ni Adolf Alix, Jr. considering na newcomer siya sa showbiz.

Ang ipinagdadasal ni Super Tekla, ng cast ng comedy movie at ng producer ay kumita ang pelikula na puro katatawanan.

Iniikot ni Super Tekla ang shows ng GMA-7 to promote the movie at wish nitong makapag-guest siya sa Wowowin show ni Willie Revillame kung saan siya unang lumabas sa telebisyon.

Mula pala nang maalis siya sa show, hindi pa sila nagkikita ni Willie, kaya magandang chance raw sana na makapag-guest siya, pero hindi alam kung gugustuhin ni Willie sa show nito na pinanggalingan ni Super Tekla.

Maymay inaakusahang nangopya ng headpiece

Si Maymay Entrata ang napiling Belo Belle of the Ball 2019 sa ginanap na ABS-CBN Ball at tumanggap siya ng P300,000.00 pesos na ido-donate ni Maymay sa Bantay Bata 163.

Sa photos na pinost ng Belo Beauty, prinesent nina Dr. Vickie Belo at Dr. Hayden Kho ang check at sabi ng Belo Beauty, happy sila na makakatulong sila sa Bantay Edukasyon ng Bantay Bata sa award at sa napanalunan ni Maymay.

Two years na palang napapanalunan ni Maymay ang Belo Belle of the Ball 2019 at talaga namang nag-standout siya sa ayos niya that night kahit may nagsabing isa siya sa worst dressed that night at may pinagkopyahan pa raw ang headpiece niya sa ABS-CBN Ball.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with