GMA Network pumalag sa desisyon ng DOLE
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Nagpalabas na ng sagot ang GMA Network sa sinasabi ng DOLE na nakitang paglabag nila sa mga regulasyon sa safety ng mga manggagawa habang nagtatrabaho. Nauna riyan ay nagpahayag si Labor Secretary Silvestre Bello na may nakita silang paglabag sa regulasyon. Sinabi rin ng kanilang kinatawan na tatlong violations ang nakita nila, noong magkaroon ng budget hearing sa kamara.

Ang isa sa mga sinabi ng GMA-7, una hindi maaaring hanapin ang requirement sa safety at kahandaan doon sa isang shooting o taping na palipat-lipat ng location. Sinabi nila na maliwanag sa implementing rules and regulation ng batas na ang requirement ay para sa mga manggagawa na nasa isang permanent location.

Kaya naman gumagawa sila ng paraan para iyan ay matugunan din. Sinabi nila na sa set na iyon ng taping ng actor na si Eddie Garcia, mayroon silang tatlong production staff na sumailalim sa pagsasanay ng Philippine Red Cross para tumugon sa emergencies at first aid. Nagsanay din daw ang mga iyon sa CPR. Pero ang punto nga, maski na may mga tao kang nagsanay kung wala naman silang gamit na dala, wala rin.

Halimbawa, iyon bang tatlo nilang first aider mayroon man lang stretcher na dala? Siyempre wala dahil nagtatrabaho sila bilang production staff. Kaya inaamin din naman ng GMA na nagkaroon nga ng pagkukulang dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Nangatuwiran din sila na kung ang sinasabi ng IRR para sa mga manggagawa na nasa isang permanent station ay gagawin sa isang shooting na palipat-lipat ng location, iyon ay magiging pabigat sa industriya.

Nakikipag-coordinate din naman daw sila sa mga barangay, sa mga local health facilities at iba pang mga ahensiya para matugunan kung ano mang emergency ang mangyayari. Pero sa nangyari kay Eddie Garcia, maliwanag na hindi sapat ang ganoong coordination.

James at Nadine hindi na gaanong napapansin!

Napuna lang namin, mukhang hindi masyadong napag-usapan sina James Reid at Nadine Lustre doon sa isang party na dinaluhan nila kamakailan lamang. Maganda naman ang gown na suot ni Nadine, at sexy rin ha. Noong ibuka iyong laylayan kita na hanggang hita niya.

Si James Reid naman, disente ang bihis noong gabing iyon. Hindi mo man masabing talagang formal, dahil parang blazer na wala namang panloob, pero disente. Napansin din namin, dahil siguro nga nakakapagpahinga at nabawasan ang stress, mukhang fresh na naman si James doon sa mga picture niya. Pero iyon nga, halos hindi sila napansin.

Mukhang nawala na talaga ang mga pralala support nila ngayon.

Male entertainer na sobrang sikat noon, walang naipong datung

Nagkukuwento ang isang dating “male entertainer” noong araw. Ipinagmamalaki niya, naging boyfriend siya ng isang magandang female star noon. Dyinowa rin daw siya ng isang female TV personality na nagsusulat din sa mga diyaryo. Ganoon din ang isang gay TV host.

Ngayon, may hitsura pa rin naman siya pero ewan kung papansinin pa siya ng mga sinasabi niyang naging mga syota niya noong araw. Ang masakit lang, hindi siya nakaipon mula sa kinita niya noong araw na in demand pa siya.

Ganyan yata talaga ang buhay.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with