Dalawang komedyanteng raketero, lifted na ang suspension ng network
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

Lifted na siguro ang suspension sa dalawang komedyante na sinuspendi ng kanilang network dahil rumaraket sila nang hindi nagpapaalam. Akala siguro ay forever nilang maitatago ang kanilang raket.

Hindi ba alam ng dalawa na makukunan sila ng litrato, naa-upload sa internet at nalalaman din ng network kung nasaan sila. Hindi sila makapag-deny kung nasaan sila at ano ang kanilang ginagawa dahil may ebidensya.

Kinumpronta ang dalawa, umamin sa kasalanan at sumunod na nga ang suspension sa kanila. For awhile, hindi sila napanood sa mga show ng network, mabuti na lang at may ibang show sa network ang isa sa komedyana na blocktimer kaya hindi siya napigil ng network.

Last Sunday, napanood na namin ang isa sa dalawang ko­medyana, ibig sabihin, puwede na uli silang lumabas sa shows ng kanilang network. Hopefully, natuto na ang dalawa sa kanilang maling ginawa.

Benjamin tinatarget mag-negosyo ng lugaw

Ang ganda ng pinost na picture ni Benjamin Alves sa kanyang Instagram (IG) kung saan, kasama ni Benjamin ang mag-amang Piolo Pascual at Inigo Pascual na kanyang kamag-anak. Kasama rin nila sa litrato sina Maris Racal at Chelsea Robato. Ang caption ni Benjamin sa litrato ay “So great to see family.”

Si Maris ay na-link kay Inigo at si Chelsea ang GF ni Benjamin at kuha ang litrato sa premiere night ng movie nina Inigo at Maris na I’m Ellenya L.

Anyway, mukhang papasok sa lugaw business si Benjamin, ibinalita niya ito sa socmed and he is teaming up with Robbie Antonio. The best lugaw daw ang ise-serve niya sa bubuksang lugawan.

Samantala, nakausap namin si director Ricky Davao at nabanggit na extended ang Dahil sa Pag-ibig na kanyang dinidirehe. Abot daw sa 20 weeks ang Afternoon Prime ng GMA-7 na bida sina Benjamin, Pancho Magno at Sanya Lopez at kasama sa cast sina Winwyn Marquez, Sandy Andolong at Rez Cortez.

Kim balik na ulit sa pagpapa-sexy!

Pinapalabas ang trailer ng Kiko en Lala at in fairness, nakakatawa ang mga eksena na kasama sa trailer. Launching movie ni Super Tekla ang nabanggit na pelikula kung saan, dual role ang ginagampanan niya at dalawa ang kapareha niya.

Ang Backyard Productions na nasa ilalim ng GMA Pictures ang producer ng pelikula na showing na sa September 25 sa direction ni Adolf Alix, Jr.

Sa trailer, hindi pa-sexy si Kim Domingo na leading lady ni Kiko (Super Tekla) noong ginagawa kasi ni Kim ang pelikula, may boyfriend pa siya na naging dahilan sa desisyon na mag-tame down sa pagpapaseksi. Pero sa soap nitong Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, tila balik na sa pagpapaseksi si Kim.

Alden at Rocco may naalala sa white t-shirt

Habang kausap ng press people si Starstruck 7 Male Survivor Kim de Leon, after winning the title, nakwento nito na during the competition, ni-require silang magsuot ng white t-shirt, wala siya noon. Tinulungan siya ng kapwa hopefuls at literal na nang-hold up sila ng taong nakita nilang naka-white.

Kabilang sila sa pinasalamatan ni Kim sa kanyang pagkakapanalo at siguro, kung kilala siya ng personal ni Kim, mabibigyan ng balato.

Naalala ng press people sina Alden Richards at Rocco Nacino sa Starstruck 5. Kinailangan nilang magsuot ng white t-shirt at nataong walang dala si Rocco, ang ginawa ni Alden, ipinahiram ang white t-shirt niya kay Rocco dahil hindi niya kinailangan dahil sa nasabing episode, natanggal na siya sa Starstruck 5.

Hindi nakalimutan ni Rocco ‘yun at tuwing napag-uusapan ang reality search na pinanggalingan, nakukuwento ang kabaitan at pagsagip sa kanya ni Alden. Nag-Second Prince si Rocco at tuluyang natanggal sa Starstruck si Alden, pero tingnan n’yo naman ang nangyari, sinuwerte si Alden at si Rocco, forever thankful sa kanya.a

BENJAMIN ALVES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with