Martin na-excite kay Alden
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

Thankful si Martin del Rosario na kinuha siya sa The Gift para maging kontrabida ni Alden Richards. Labis pala ang paghanga ni Martin kay Alden. “Excited ako dahil first time kong makakasama si Alden,” kuwento ni Martin. “Isa kasi siya sa mga artistang nilu-look up ko in terms ng ugali, personality. Sa napapanood ko sa kanya, sa lahat ng success niya, lahat ng narating niya hindi lang bilang artista, kahit sa mga business, kung ano yung ginagawa niya sa family niya, sobrang humble pa rin niya.

“Hindi siya tulad ng ibang artista na feel na feel ang pagka-celebrity, yung ganoon. Kaya excited ako na ngayon, makakasama ko na siya.”

Nagsimula nang mapanood ang The Gift last Monday evening, after ng Beautiful Justice.

Jose, Heart at Cherie naging emosyonal

Congratulations kina Kim de Leon at Shayne Sava, Starstruck 7 Ultimate Male and Female Survivors respectively, sa isang bonggang presentation ng original reality-based artista search ng GMA Network na ginanap sa Studio 7 sa annex GMA building.

Inihayag namang First Prince and First Princess winners sina Allen Ansay at Lexi Gonzales respectively.

Sina Kim at Shayne ay tumanggap ng P500,000 cash prize each, at tig-isang unit ng Lessandra Homes. Tumanggap din sila ng GMA Network management contract.

Sina Allen at Lexi naman ay tumanggap ng tig-P250,000 cash prize at management contract din with the other 10 avengers.

Special guest performer si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na nakipag-duet kina Shayne at Lexi ng Kung ‘Di Rin Lang Ikaw at nakipag-dance exhibition naman kina Kim at Allen.

Pansin ang pagiging emotional ng Council na si Jose Manalo at sina Ms. Cherie Gil at Heart Evangelista na may tears of joy nang humarap sa audience, hindi lamang sa mga nanalo kung hindi iyong naging bahagi sila ng tagumpay ng mga young hopefuls na makapasok sa industriya.

Umiiyak din si Kim at Shayne nang humarap sa press after the show. 

Wala nang problema si Shayne sa pamasahe, ‘di tulad noon na nanghihiram lagi ang lola niya na nagpalaki sa kanya, ng pamasahe nila mula sa kanila sa Binangonan, Rizal hanggang GMA kapag kailangan niyang mag-report. Si Kim naman ay labis ang pasasalamat na hindi na raw nila maibebenta ang bahay nila sa Balayan, Batangas, hindi na sila titira sa maliit na bahay, at mababayaran na nila ang mga utang nila.

Parehong magpapatuloy ng studies nila sina Kim at Shayne. Si Shayne ay nasa Grade 12 at tatapusin niya ito sa pamamagitan ng home study. Nasa college naman si Kim. Nangako rin ang dalawa na lalo nilang pagbubutihin ang pag-arte nila kapag binigyan na sila ng projects ng GMA Network.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with