Mark at Katrina may premyo rin sa pagkakapanalo nina Kim at Shayne sa Starstruck
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

Labis ang pasasalamat ng mga tinanghal na Starstruck Season 7 Ultimate Survivors na sina Kim de Leon at Shayne Sava sa mga naging mentor nila sa pinagdaanang reality artista-search ng GMA-7.

Mentor ni Kim ay ang kauna-unahang Male Ultimate Survivor na si Mark Herras, samantalang si Shayne ay ang Starstruck 1 Avenger na si Katrina Halili.“Noon pa man, idol ko na si Kuya Mark, lalo na sa pagsayaw niya. Pero noong maging mentor ko po siya dito sa Starstruck, marami siyang ibinahagi sa akin na mga importanteng bagay na hindi ko dapat makalimutan.

“Una po ay ang mahalin ang trabahong ito. Kung hindi ko raw ito mamahalin, walang mangyayari. Sunod po ay ang laging magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin para maabot ko kung saan man ako ngayon. At pangatlo ay yung maging professional. Huwag daw akong maging sakit ng ulo o maging pasaway sa mga taong humahawak ng career ko,” sey ni Kim.

Bilin naman daw ni Katrina kay Shayne ay huwag itong paapekto sa mga hindi magagandang sinasabi ng ibang tao.“Sinabi po ni Ate Katrina, mas kilala ko raw po ang sarili ko, kaya kung may paniniwalaam po ako, ako lang daw po dapat. Tsaka sa panahon ngayon na may bashers at haters sa social media, huwag ko raw po bigyan ng panahon ang mga taong ‘yan dahil wala raw akong dapat na i-explain sa kanila. Importante po ay nagagawa ko po ang trabaho ko ng maayos at ang dapat ko lang i-please daw po ay ang mga sumusuporta sa akin,” diin ni Shayne.

Bilang mga mentor, may premyo rin na matatanggap sina Mark at Katrina dahil declared Ultimate Survivors sina Kim at Shayne.

Tekla parang nanaginip ang pakiramdam

Kabado ang Kapuso comedian na si Super Tekla dahil sa September 25 na ipapalabas ang launching comedy film niya na Kiko En Lala. Noong May 2019 pa raw sana ito ipapalabas, pero hindi raw sila natapos i-time for the playdate.  Ang pag-iba raw ng playdate ng movie ang naging dahilan kung bakit nagalit daw si Tekla sa direktor nitong si Adolfo Alix, Jr.

“Wala naman po kaming away ni Direk Adolf. Magkapitbahay kami at parati kaming magkakasalubong sa tinitirhan ko.  Naintindihan ko naman kung bakit hindi agad naipalabas yung movie namin. Nagdagdag pa si Direk Adolf ng mga eksena para mas lalo pang gumanda at maaliw ang mga manonood nito.

“May ruling na pala sa mga sinehan na kapag hindi umabot ang pelikula sa playdate, automatic na hindi na siya matutuloy ipalabas at after two months na ulit puwedeng mabigyan ng playdate.

“Kaya noong hindi kami natuloy noong May, ginamit namin ang ilang buwan para mas maging maganda ang movie,” sey ni Tekla.

Napanood na raw ni Tekla ang buong movie at hindi raw niya napigilan ang maiyak sa tuwa. “Naiyak talaga ako kasi, imagine, noong araw, kasama ko sa mga nanonood lang sa mga sinehan. Ngayon, may sarili na tayong pelikula. Iniisip ko na lang ang reaction ng mga taong makikita ang mukha ko sa malaking screen. Overwhelming lang. Parang nanaginip ako na biglang naging totoo,” ngiti pa ni Tekla.

Nanghinayang si Tekla na hindi nakapag-guest ang co-host niya sa The Boobay And Tekla Show na si Boobay dahil sa sobrang busy nito.

Adele diniborsyo ang asawa

Pagkatapos ng walong taon, nakipaghiwalay na ang singer na si Adele sa mister nitong si Simon Konecki.

Nag-file ng divorce si Adele noong nakaraang September 12. Noong April 2019 pa raw hindi na nagsasama ang dalawa sa iisang bahay.

Ayon sa rep ng singer: “They are committed to raising their son together lovingly.”

Sa nakuhang report ng E! News : “Adele became a bigger and bigger star, and he was okay with being in the background, but as she got bigger and had massive tours and intense schedules, they just grew apart.”

Noong mag-birthday si Adele noong nakaraang May, nag-celebrate ito with the power of self-love.

KIM DE LEON SHAYNE SAVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with