Best Actor ni Martin iniintriga agad-agad!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

Si Martin del Rosario ang Best Actor sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 para sa pelikulang The Panti Sisters, pero may mga nagkokomento na sana ay pinag-triple tie na lang sila nina Paolo Ballesteros at Christian Bables na co-stars niya sa pelikula.

Pare-parehong magaling ang tatlo sa Panti Sisters na certified box-office hit.

Samantala, pinaghahandaan na raw ang victory party ng nasabing pelikula.

Regine uuwian ng mga Pinoy para sa concert

Sa Monday ay haharap na sa entertainment press sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid para sa Iconic concert nila sa Araneta Coliseum on October 18 & 19.

Kapwa excited ang Megastar at Asia’s Songbird sa Iconic concert nila.

Alam mo ba, Ateng Salve, noong nasa Guam ako, may ilang mga kababayan natin doon ang nakatsikahan ko at uuwi raw sa Philippines para manood ng Iconic.

Iba talaga sina Sharon at Regine, talagang pagdating sa concert scene ay very iconic sila, huh!

Aktor na madalas maging bading sa pelikula may karelasyong

AC-DC din

Certified na may karelasyong AC-DC like him ang isang aktor na madalas na ring gumanap na bading.

Hinihintay na lang kung kailan aamin si aktor sa kanyang sexual preferences.

In fairness, ang ganda ni aktor kapag nagbibihis-babae siya, huh!

TV personality/politician at sexy star nagtikiman sa filmfest abroad

May tsismis sa isang dating TV personality na pumasok sa pulitika at isang sexy star na dating mi­yembro ng isang sexy group.

Nagkasama sa isang film festival abroad ang dalawa at na-type-an ni lalaki si sexy star.

Ang dalawa raw kasi ang magkasama sa both ng mga Pinoy sa filmfest na ‘yon at si lalaki ay obvious daw na nahalina sa kaseksihan ni girl, kaya ang duda ay lihim na nag-date ang dalawa.

Nagkatikiman ba sila? Kapag binibiro raw ng mga nakasama nila sa filmfest na ‘yon si dating TV personality na naging politician ay tatawa-tawa lang ito.

‘Yun na!

THE PANTI SISTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with