^

Pang Movies

Butlig sa legs ng young actress lumitaw sa kanyang pictorial!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Hindi pala makinis ang legs ng isang young actress. Nakuhanan siya ng litrato na tila nasa backstage ng isang event, nakaupo sa isang silya at naka-cross legs at sumilip ang legs niya.

May slit ang suot niyang damit kaya kita ang bandang kaliwa niyang hita. Maayos naman ang hitsura pero kapag na-zoom ang picture niya, doon na makikita ang hindi makinis niyang hita.

Kasi naman, pag-zoom ng picture, maaaninag ang hita niyang may mga butlig, huh! Hindi man kalakihan ‘yon, dapat ay naging careful siya sa posisyon niya sa pag-upo!

Eh alam naman ninyo ang mga phone ngayon, puwedeng i-close up ang panlabas na mukha at kutis ng tao, huh!

Aileen Go endorser na rin!

Si Young JV ang bagong endorser/ambassador ng produktong Fasclean Extra Power Detergent Powder ng Megasoft Hygienic Products, Inc.

Nasanay ang press na makitang nasa background si Ms. Aileen Choi-Go tuwing product launch o endorsers launch ng mga produkto ng kumpanyang Megasoft. But this time, pinasok na rin niya ang pagiging endorser.

Kaya naman tinanong namin ang Lady Boss kung binayaran ba siya bilang endorser ng Fasclean.

“’Yun nga eh. Wala nga eh! Hahaha! Hindi naman importante sa akin ang bayad. Fasclean is part naman of Megasoft. Maniningil na ako kay Boss! Puwede pa! Hahaha Si Young JV lang ang binayaran. Ako hindi!” tugon ni Miss Aileen.

Lingid sa kaalaman ng marami, umapir si Aileen sa pelikulang Block Z nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Pero wala raw malaking difference sa pagiging showbiz niya at isa sa boss ng kumpanya.

“Dito lang sa Fasclean instead na ako ay nasa likuran, ako naman ang nasa harap.

“Ano ba ang mas gusto ko? Both. For 19 years I’ve been the background of Megasoft. This is a new experience. Mas comfortable ako sa background (Megasoft) pero ito, ii-embrace ko na rin!” dagdag ni Ms. Go.

vuukle comment

AILEEN CHOI-GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with